Advertisers
VIRAL sa TikTok ang ginawang pagtaboy at paninigaw ng isang manager ng Starbucks sa kostumer nito na humingi ng tulong nang harasin ng pulubi sa loob ng store.
Kinilala ang naturang Starbucks Kalayaan manager na si Gino Mariano.
Ayon sa Starbucks Philippines, iniimbestigahan na nila ang insidente na nangyari sa isa sa mga branch nila sa Makati City.
“We know of the incident at one of our stores on August 8 and have already contacted the customers involved. Ensuring that everyone feels safe, secure, and welcome in our stores is our top priority, and we will take all necessary measures to achieve this,” saad ng Starbucks sa inilabas na statement.
“This matter is being taken very seriously and is currently under investigation. We sincerely apologize for this experience and will follow up closely with those involved to provide our support,” dagdag nito.
Sa TikTok, ikinuwento ng netizen na si Gino Mariano (@innockc11) ang karanasan niya sa Starbucks Kalayaan.
Aniya, nakapila siya para umorder nang may lumapit sa kanyang lalaki at nanlimos.
Nang tumanggi siyang bigyan ang namalimos bigla na lamang daw sumigaw ang huli ng: “Hindi naman kita inaano ah!”
Nagulat daw ang babaeng kostumer na nasa likod niya kaya tinawag ang barista na siya palang manager.
“She said ‘kuya’ and then pointed it to the namamalimos and then sumigaw uli ng ‘di naman kita inaano ah bakit moko sinusumbong’ then push the girl.
“That is where i took the girl and naglakad kami palayo then nag-start na magalit ung namamalimos. kami, lumayo na ng super hanggang sinundan kami at sasaktan kaya umabot kami sa loob ng cashier nag-beg kami sa manager for help lalo ako nag-seek talaga ako ng help tapos ‘yung barista (manager) he didn’t do anything at all bagkus gumilid pa siya para makadaan ‘yung namamalimos para ma-attack kami then ran to his office closed the door,” ani Mariano.
Makikita sa viral video ang paglapit ni Mariano sa manager pero pinaalis siya.
“He was attacking us, and you’re asking us to step outside,” maririnig na sabi ni Mariano.
Sinigawan pa ng manager si Mariano at sinabing: “You want us to protect you!”
“I just want you to leave the store! Madadamay kami,” patuloy pa ng manager.