Advertisers
INARESTO ng PNP Aviation Security Group (AVSEGROUP) at ng Barbosa Police Station ng Manila Police District ang isang papasok na pasahero mula sa Narita, Japan pagdating nito sa Ninoy Aquino international Airport NAIA Terminal 3.
Ayon sa Avsegroup, ang pasahero na residente ng Alfonso, Cavite ay pinaghahanap ng batas simula pa Enero 16, 2020 sa bisa ng arrest warrant na inilabas ng Regional Trial Court, First Judicial Region, Branch 43 sa Dagupan City.
Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, “Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Ang suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Barbosa Police Station 14.
Nasa P24,000 ang inirekomendang piyansa ng korte para sa pansamantalang kalayaan ng naturang akusado. (Jerry S. Tan)