Advertisers

Advertisers

HOUSE AT SENATE HEARING, WALANG HINAHANTUNGANG RESULTA O’ KONKLUSYON MAN LANG

0 7

Advertisers

Marami ang nagsasabi kabilang na ang ilan mga eksperto na wala daw hahantungang resulta o’ konklusyon man lang ang ginagawang pagdinig at imbestigasyon ng Kongreso at Senado.

Batay ito sa mga personalidad na umano’y sangkot sa iba’t ibang anomalya na kanilang kinukumbida para tanungin hinggil sa mga kasong kanilang kinaka-sangkutan.

Sayang lang anila ang oras, panahon at abalang ini-ukol ng mga mambabatas sa mga taong ito na paglaon ay bigla na lamang silang hindi sisputin sa kanilang tinakdang pagdinig.



Sa bandang huli ay malalaman na lamang na ang mga ito ay nagtatago samantalang meron ding nag-self exile sa ibang bansa na kung saan meron silang immunity at hindi pwedeng pakialaman at arestuhin ng basta-basta.

Walang kamatayang tanungan, papogian at walang patumanggang pagpukaw ng pansin ang obvious na maki-kita sa mga Senador at Congressman na sa bandang huli ay sila-sila na rin ang magkakapikunan.

Hindi natin malaman kung pina-paikot o’ nilalaro na lang sila ng mga personalidad na kanilang sinumon, sinubpoena at pinag-ukulan ng panahon.

Ilan sa mga sikat na personalidad na hanggang sa kasalukuyan ay hindi pa rin malaman kung saan lupalop naroroon ay sina dating BuCor Chief Gen. Gerald Bantag, dating Bamban Mayor Alice Guo at Pastor Apollo Quiboloy.

Si former Cong. Arnie Teves naman ay sinasabing nasaTimor Leste. Ito ay may immunity kung kaya’t hindi pwedeng pakialaman ng ating gobyerno ng basta-basta.



Ganon na lang ba iyon, sa kabila ng multiple murder na kasong hinain sa kanya dahil umano sa siya ang mastermind sa pag-patay kay Negros Governor Degamo at 13 iba pa.

Si Bantag naman ay sinasabing utak din sa pagpaslang kay hard-hitting broadcaster Percy Lapd at iba pang mga inmate sa New Bilibid Prison (NBP) partikular na kay high-profile inmate na si JB Sebastian.

Ang dating Mayora naman ng Bamban na si Alice Guo ay sinasangkot sa llegal pogo sa kanyang munisipalidad. Sinampahan din siya ng kasong human trafficking, illegal entry sa Pinas sampu ng kanyang pamilya at falsification of public document.

Ang Pastor namang si Quiboloy na napag-alamang isang malapit na kaibigan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ay inakusahan din sa kasong human trafficking, child at sexual abuse.

Ang mga ito ay bigla na lamang nawalang parang bula. Ilan din ang nagsa-sabing kinakanlong daw ang mga ito ng mga makapangyarihan at maiinpluwensiyang mga tao.

Si Quiboloydaw ang painaka-matindi sa mga ito sa kadahilanang sa halip na siya ang bigyan ng kondisyon ng gobyerno, kabaligtaran ang nangyari dahil siya ang nagbi-bigay ng terms and condition sa Senado ayon sa nais niyang mangyari.

Ilan pang mga personalidad na sinalang din sa Senate hearing ay ang mga pulis na sina Lt. Col. Ybanez at Sgt. Mayo at iba pang opisyal ng PNP.

Ang mga ito naman ay sinasabing nag-puslit ng tone-toneladang kumpiskadong shabu na may street value na umaabot sa P 6-Bilyon.

Isa pang mabigat na personalidad ang dating PDEA agent na si Cristopher Morales na nag-expose sa PDEA leak. Maraming tao ng sinagkot at sinira nito kabilang na si President Ferdinand Marcos Jr. at diamond star Maricel Soriano.

Bagama’t hindi nagtatago ang mga ito, hindi naman natin alam ang latest development hinggil sa kanilang kaso at kung saan naroroon ang mga ito.

Magulo, meron ding teknikalidad at maraming komplikasyon ang namu-mutawi sa tunay nilang kalagayan dahil bilyon ang pera ng mga ito. Bulag at ligaw tayong lahat sa usaping ito.

Ang tanong dito ay kung ano ang resulta at konklusyon ng ating mga mambabatas base sa mga ginawa nilang mga pag-dinig.

Naresolba kaya ang problema o’ nananatiling problema pa rin. Sayang ang namagitang espadahan ng laway ng dalawang panig sa mga naganap na pag-dinig. Harinaway huwag sana itong maging usapang-laway.