Advertisers

Advertisers

DRIVER TRUCK SUMALPOK SA PASSENGER VAN: 7 PATAY, 8 SUGATAN

0 28

Advertisers

Nasawi ang pitong katao at walo ang sugatan sa salpukan ng passenger van at delivery van sa Sariaya, Queon nitong Linggo ng umaga.

Kinilala ang mga nasawi na sina Elodoro Bermundo, van driver, ang mga sakay na sina Danilo Dapadap, Villamor Concepcion, Jaime Bermudo, Francisco Bermudo, Sarah Joy Concepcion, at MJ, 2-anyos na batang babae.

Samantala dinala sa ospital ang mga sugatan sa Candelaria, Quezon upang malapatan ng lunas na tinamong pinsala sa katawan nakilalang sina Crisanto Pascual, truck driver; sakay ng passenger van na sina Ariel Caliro, Louis Aldea, Antero Vergara, Gilbert Bermudo, Jomar Caliro, Anjo Caliro, at Sarah Concepcion

Sa report, 5:30 ng madaling araw ng maganap ang aksindete sa Mahalika Highway, Brgy. Sto Cristo, Sariaya Quezon.

Nabatid na binabagtas ng passenger van ang direksyon patungo Manila habang ang delivery van patungo sa Bicol.

Bigla na lang napunta ang pamsaherong van sa kabilang linya ng kalsada kaya hindi na nito naiwsan ang kasalubong na deliver van.

Sa tindi nang salpukan ng dalawang sasakyan nasawi ang 7 katao sanhi ng tinamong mga pinsala sa katawan at nahirapan ang mga otoridad sa isinagawang rescuer.

Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, posibleng naidlip o nakatulog ang driver ng passenger van dahilan upang mapunta ito sa kabilang linya ng kalsada at sumalpok sa kasalubong na deliver van.

Patuloy naman ang isinagawang imbestigayon ng mga otoridad at patuloy na inalaman ang pagkakakilalan ng mga nasawing biktima. (Mark Obleada)