Advertisers

Advertisers

DUTERTE SCANDAL SA DRUG CARTEL?

0 2,344

Advertisers

Tila NUCLEAR BOMB ang pinasabog sa buong sambayanan ng isang dating CUSTOMS INTELLIGENCE OFFICER sa isinasagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARINGS na rektang ibinunyag ang TOP OFFICIALS sa dating DUTERTE ADMINISTRATION ang nagmamanipola sa ILLEGAL DRUG SHIPMENTS papasok sa ating bansa.

Sa QUAD COMMITTEE HEARING ay binawi ni dating CUSTOMS INTELLIGENCE OFFICER JIMMY GUBAN ang naging pagdawit niya noon kay dating COL. EDUARDO ACIERTO bilang MASTERMIND sa P6.8 BILLION SHABU SHIPMENT SCANDAL noong 2018.., sa halip ang itinuro nitong responsible sa shipment ay ang TROPANG DUTERTE na kinabibilangan ng anak ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na si DAVAO CITY CONGRESSMAN PAOLO “PULONG” DUTERTE; ASAWA NI VICE-PRESIDENT SARA DUTERTE na si ATTY. MANS CARPIO; at dating PRESIDENTIAL ECONOMIC ADVISER MICHAEL YANG ang MASTERMIND ng mga DRUG SHIPMENT.

Sa pagbusisi ng mga MAMBABATAS kung bakit hindi nito ibinulgar noon sa SENATE HEARING ng DUTERTE ADMINISTRATION ay may mga personalidad umanong nagbanta sa kaniya na huwag idadawit ang pangalan nina PULONG DUTERTE, MANS CARPIO at MICHAEL YANG.., kaya napilitan itong magturo ng ibang personalidad upang maisalba ang buhay ng kaniyang pamilya.



Sa ginawang pagsisiwalat ni GUBAN sa QUAD COMMITTEE HEARING ay isinaad nito na nakuha niya ang gayong mga impormasyon sa pamamagitan ni DAVAO CITY 1st DISTRICT COUNCILOR NILO “SMALL” ABELLARA JR na ito umano ang inatasan ni ATTY. CARPIO para makipag-transact sa pagpapalabas ng mga shipment na hindi na dadaan pa sa maraming rekisitos ng BUREAU OF CUSTOMS (BOC).

Daan-daang shipment umano ang naipupuslit papalabas mula sa MANILA PORT AREA sa pamamagitan lamang ng GATE PASS.., na ibig sabihin ay hindi dumaan sa regular na proseso tulad ng pagsisiyasat sa laman ng CONTAINER VAN o SHIPMENT dahil ang lahat ng dadaanan ay bayad na o nabigyan na ng kaukulang pera upang hindi na alamin pa ang nilalaman ng shipment.



Sa pagkakadawit ng pangalan ni ATTY. CARPIO ay dumistansiya naman si VP SARA DUTERTE at bahala umano ang kaniyang asawa para sagutin ang mga akusasyon at tumangging magkumento sa iskandalong kinakalaharap ngayon ng kaniyang mga kapamilya.., sabagay, nalalapit na ang 2008 PRESIDENTIAL ELECTION kaya kinakailangang paglaanan nito at maisalba ang kaniyang POLITICAL CAREER!

Sa iskandalong pinasabog ni GUBAN patungkol sa DRUG SHIPMENTS na manipulado umano ng DUTERTE FAMILY ay kaiba sa pinalilitaw na imahe ni EX-PRES. DUTERTE na madalas niyang ilitanya ang katagang “I HATE DRUGS!”.., ay tila pahiwatig na HATE nito ang mga kakompitensiya at minaniobra para ma-solo ang ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa?



Asahan nang sa mga susunod na HEARINGS ay marami pang mga pasabog ang maririnig ng mga sambayanan mula sa mga RESOURCE PERSON na iimbitahan ng QUAD COMMITTEE na tila ang pagpapasabog ni GUBAN ay magko-collaborate sa mga naging pagsisiwalat ni dating COL. ACIERTO at ng ilang mga WHISTLE BLOWER ng DAVAO DEATH SQUAD laban sa DUTERTE FAMILY!

Ang pasabog sa DUTERTE SCANDALS ay namumulat ngayon ang ilang sambayanan na ang naging DUTERTE ADMINISTRATION ay tila maihahalintulad sa kinatakutang DRUG LORD ng COLUMBIA na si PABLO ESCOBAR na pinuno ng MEDELLIN CARTEL noon na kinapapalooban ng matinding krimen at corruptions na itong si ESCOBAR ang kinilalang WORLD’s MOST POWERFUL DRUG TRAFFICKER noong dekadang 80’s at early 90’s.

Sa puntong ito ay nakasalalay sa kung paano dedepensahan ng DUTERTE ADMINISTRATION ang mga iniaakusa laban sa kanila ng mga dati nilang inakusahang involved sa DRUG SYNDICATE at ginawaran pa ng REWARD MONEY para sa ikaaaresto o ikapapatay sa mga operatibang nagtuturong siya ang GODFATHER ng DRUG SYNDICATE.., ika nga, sa korte patutunayan ng magkabilang panig ang mga ebidensiyang kanilang panghahawakan hanggang sa SUPREME COURT para sa paggawad ng REAL JUSTICE!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.