Advertisers

Advertisers

KONSEHAL SA BULACAN BINIRA NG RIDING- IN-TANDEM

0 53

Advertisers

MASUWERTENG nakaligtas sa kamatayan ang incumbent municipal councilor sa bayan ng San Miguel nang barilin ng riding in tandem sa Barangay Camias, Bulacan nitong Lunes ng umaga, Agosto 19, 2024.

Sa report na tinanggap ni OIC PNP Provincial Director, Colonel Satur Ediong, kinilala ang biktima na si Richard Dela Cruz, 49 anyos, ng Bgy. Camias sa nabangit na bayan.

Base sa paunang imbestigasyon, 10:40 ng umaga naganap ang krimen.



Nabatid na nagpanggap ang isa sa salarin na kliyente ng paupahang commercial building ng biktima sa barangay Ca-mias nang biglang sumulpot ang isang kasama nito lulan ng motorsiklo at pinaputukan si Konsehal Dela Cruz, na masu-werteng hindi tinamaan ng bala ng baril.

Matapos ang pamamaril, mabilis na tumakas ang mga salarin na lulan ng kulay orange Yamaha Mio, na armado ng maikling kalibre ng baril patungo sa direksyon ng national highway.



Nagsasagawa na ng malalimang imbestigasyon ang pulisya, kungsaan sinisilip na rin ang mga CCTV footage sa lugar upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang posibleng motibo ng tangkang pagpatay sa konsehal ng bayan.(Thony D. Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">