Advertisers
TODAS ang isang tinyente, kasama ang isa pang miyembro ng Philippine Army, habang 21 iba pa ang sugatan nang bumulusok sa bangin ang kanilang sasakyan sa Palimbang Sultan Kudarat noong Biyernes.
Kinilala ng 6th Division (6ID) ng Philippine Army ang mga biktima na sina First Lieutenant Rolfe Rodney Lebrilla ng 1st Scout Ranger at Corporal Hony Jay Bentual ng 37th Infantry Battalion.
Nagpapagaling naman aniya sa Camp Siongco Station Hospital ang 19 mula sa 21 sugatang sundalo.
Sa ulat, bumibiyahe sa bayan ng Malisbong sa Palimbag, Sultan Kudarat ang mga biktima nang bumulusok ito sa bangin kung saan may nangyaring pagguho ng lupa.
“This incident is a solemn reminder of the risks our soldiers face in the line of duty as they work tirelessly to fulfill their mission. We send our deepest sympathies to the grieving family and friends of Lieutenant Lebrilla and Corporal Bentual. Our prayers and thoughts are with you,” ayon kay Major General Antonio Nafarretes, 6ID commander.
Dinalaw niya ang mga sundalong nasa ospital at pinagkalooban ng tulong pinansyal. Tutulungan din aniya nila ang mga naulilang pamilya ninaBentual at Lebrilla.