Advertisers

Advertisers

ATTY. ROQUE HUWAG PAYAGANG MAKAPANGIBANG-BANSA!

0 929

Advertisers

Habang hindi pa natatapos ang iskandalong sinisiyasat ng mga MAMBABATAS patungkol sa kontrobersiyal na PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATOR (POGO) at ILLEGAL DRUG TRADE sa ating bansa na isinasangkot ang ilang TOP OFFICIALS sa DUTERTE ADMINISTRATION ay marapat lamang umalerto ang MARCOS ADMINISTRATION na huwag PAYAGANG MAKAPANGIBANG-BANSA si EX-PRESIDENTIAL SPOKESMAN ATTY. HARRY ROQUE gayundin ang kaniyang asawang si MYLAH REYES ROQUE upang huwag maulit ang pagpapapuslit kay DISMISSED BAMBAN MAYOR ALICE GUO na nahaharap sa kontrobersiyal na POGO OPERATIONS.

Sa FIRST JOINT PUBLIC HEARING ng QUAD COMMITTEE ng DANGEROUS DRUGS, PUBLIC ORDER AND SAFETY, HUMAN RIGHTS at ng PUBLIC ACCOUNTS noong AUGUST 16, 2024 ay hindi nakadalo si ATTY. ROQUE dahil sa kaniyang scheduled hearing sa MANILA CITY REGIONAL TRIAL COURT.., kaya ang QUAD COMMITTEE ay naglabas ng SHOW CAUSE ORDER para ang lahat ng personalidad na absent ay kinakailangang makadalo sa susunod na hearing.

Bukod diyan, ang QUAD COMMITTEE ay kinakailangang abisuhan o atasan ang BUREAU OF IMMIGRATION (BI) na isailalim sa HOLD DEPARTURE ORDER si ATTY. ROQUE gayundin ang kaniyang asawa.., ika nga, habang may kinakaharap na kontrobersiya ay huwag itong PAYAGANG makalabas sa ating bansa.



Si ROQUE ay nasasangkot sa ILLEGAL POGO tulad ng LUCKY SOUTH 99 na kinapapalooban ng iba’t ibang kriminalidad tulad ng, scamming, torture, pagpatay at iba pang mga paglabag sa pangkarapatang pantao.

Nang salakayin ng LAW ENFORCERS ang LUCKY SOUTH 99 sa PORAC, PAMPANGA ay nadiskubre ang mga dokumento na nagsasaad na si ROQUE ang LEGAL COUNSEL ng nasabing kompanyang nag-ooperate ng ILLEGAL POGO.., na kahit noong DUTERTE ADMINISTRATION na si ROQUE ang siyang PRESIDENTIAL SPOKESMAN ay itinatanggi nito at hindi raw siya konektado sa LUCKY SOUTH 99.

Sa pagkakasalakay sa nasabing establisimiyento sa PORAC, PAMPANGA ay nadiskubre pa na ang dating iniuugnay sa kaniya noon na umano’y karelasyong MALE PAGEANT CONTESTANT na nagngangalang AR DELA SERNA ay kaniya palang empleyado bilang aide at travel buddy.

Batay sa affidavit na natagpuan sa isinagawang raid sa nasabing establisimiyento ay nakasaad na si ROQUE ang siyang tumutustos sa financial needs ni AR DELA SERNA tulad noong ito ay nagtungo sa EUROPE ng nakaraang taon 2023.

Kung si DISMISSED BAMBAN MAYOR ALICE GUO ay pinapuslit ng mga CORRUPT OFFICIAL sa kabila na ito ay may HOLD DEPARTURE ORDER na inilabas ng BUREAU OF IMMIGRATION (BI) ay mas malaya si ROQUE na makalalabas sa ating bansa para makatagpo nito si EX-ECONOMIC ADVISER ni EX-PRES. RODRIGO DUTERTE na si MICHAEL YANG sa DUBAI.., dahil walang HOLD DEPARTURE ORDER para kay ROQUE!



Si MICHAEL YANG na inaakusahang DRUG LORD ay sinisiyasat hinggil sa ILLEGAL DRUG TRADE nito sa ating bansa, na ang mga kasapakat umano nito ay sina DAVAO CITY REP. PAOLO “PULONG” DUTERTE at asawa ni VP SARA DUTERTE na si ATTY. MANS CARPIO.., kung saan ay hindi maiaalis sa kaisipan ninuman na posibleng si ROQUE ang nagsilbing tagapagtakip sa ILLEGAL ACTIVITIES ni MICHAEL YANG noong DUTERTE ADMINISTRATION!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.