Advertisers

Advertisers

Jericho binisto, kinikilala na nila ni Janine ang isa’t isa

0 13

Advertisers

Ni Mercy Lejarde

KUNG dati ay si yours truly ang tinatawag na…”My Labs” tuwing magkikita kami noon sa mga preskon ni ABS-CBN actor na si Jericho Rosales now if true ang tsika ay si Janine Gutierrez na raw ang new labs nitong si Jericho , ha!

Dyelling? Medyo….charrrrr lang, hahaha!



Sagot sa tanong kung ano nga ba ang real score sa pagitan nina Janine at Jericho ang hinihintay ng publiko.

So without making the public wait any longer ay diretso nang sinagot ng comebacking actor ang tanong–are they or are they not?



At a recent mediacon nga’y hindi na gaanong nagulat ang press sa naging kasagutan ni Echo.Aniya: “We’re dating…we’re now getting to know each other.”

So far, marami nang mga qualities o magagandang katangian ni Janine ang natuklasan ni Echo.



Nagpakawala siya ng mga adjectives tulad ng “amazing,” “sweet,” “kind,” “funny” at “dedicated.”

While all these are what describe Janine sa personal na aspeto ng kanyang buhay, Jericho sizes her up as “a very good actress.”

Ang Urian Best Actress awardee, talaga ngang very good!

So far din, their dates–constant as these are–reveal so much about them.

Inamin ni Jericho na ideya niya na mag-date sila ni Janine sa National Museum.

Matatandaang naging viral ang video at photos taken of them, even prompting Janine’s mom Lotlot de Leon to ask kung paanong napadpad doon ang anak.

Sinundan ito ng pagpapaunlak ni Echo na dumalo sa launch ng awitin ni Diego, Janine’s brother–at a bar somewhere in Quezon City.

Sa gitna ng lahat ng ito, how does Jericho see himself five years from now with respect to their closeness?

Nakakaintrigang sagot ng aktor: “We’ll see…” Yun na!

***

Tinanghal bilang biggest opening
gross of a local
film ngayong 2024…
“UN/HAPPY FOR YOU” NINA JOSHUA AT JULIA, KUMITA NG P20.5M SA UNANG ARAW SA SINEHAN
MAGANDA ang ‘balikan’ nina Joshua Garcia at Julia Barretto sa takilya dahil agad na nakapagtala ang kanilang pelikulang “Un/Happy for You” ng P20.5 milyon sa unang araw nito sa mga sinehan sa buong bansa, kaya ito ang pinakamalaking opening gross ng isang local movie ngayong 2024.

Palabas na sa mahigit 230 na sinehan sa buong bansa ang “Un/Happy For You” na agadnaging trending topic sa X noong premiere night nito. Nagsimula na rin ang ibang netizens na magbahagi ng kanilang positibong feedback tungkol sa pelikula online.

Sa premiere night noong Agosto 13, ipinahayag nina Joshua at Julia ang kanilang pasasalamat sa kanilang mga tagahanga, pamilya, kaibigan, at mga tao sa likod ng “Un/Happy For You.”

“Gusto ko lang magpasalamat sa lahat—sa fans, sa family namin na andito, sa friends namin, sa bosses thank you, sa Star Cinema salamat sa pagtitiwala sa amin ni Julia. Sa Viva Films of course at sa buong team ng Un/happy For You,” ani Joshua bago magsimula ang film screening.

Samantala, ‘overwhelmed’ naman si Julia sa pagmamahal at suporta ng kanilang loyal fans.

“Sobrang nakaka-overwhelm ‘yung suporta na pinapakita niyo. Sobrang nagpapasalamat kami sa lahat ng efforts niyo. Sana po magustuhan niyo siya [Un/Happy For You],” sabi ni Julia.

Sa direksyon ni Petersen Vargas, tampok sa “Un/happy for You” sina Joshua Garcia, Julia Barretto, Nonie Buencamino, Ketchup Eusebio, John Lapus, Kaila Estrada, Aljon Mendoza, Ana Abad Santos, Victor Silayan, Bong Gonzales, Meann Espinosa, at Bianca De Vera.