Advertisers

Advertisers

Ruffa umiyak, mawawalay na sa anak na si Venice na sa Tate na titira at mag-aaral

0 10

Advertisers

Ni Jovi Lloza

SI Bea Alonzo ay may inamin nang sumalang sa programa ni Boy Abunda.

Dito ay pinuri puri niya ang kanyang ina na si Mary Anne Ranollo na pinalaki at hinubog siya na may angking kagandahan ng asal.



Di lang naman ina ang turing ni Bea sa kanyang nanay kungdi BFF na rin.

Kaya naman nasabi nito na gusto niya na gayahin ang kanyang ina sa estilo nito ng pagpapalaki sa kanila.



Pero sabay nakadama at nagkaroon ng takot si Bea sa paglipas ng kanyang kaarawan at taon.

Di naman daw siya bumabata sa pagdating ng panahon



Kaya naman nakakadama ito ng takot at pangamba dahil sa edad niyang 36 ay wala pa siyang anak.

Kaya lagi na lang dasal nito na sana if ever makatagpo na nito ang lalaking kanyang mamahalin at pakakasalan ay mapagkalooban ang aktres ng kahit isang anak para ang magandang paghubog sa kanya ng kanyang ina ay magaya ng Kapuso actress.

Pero sa paglipas ng panahon ay nadagdagan lagi ang kanyang edad at wish ng lahat na dumating na si Mr. Dreamboy sa buhay ng aktres.

***

SA socmed account ng beauty queen actress na si Ruffa Gutierrez ay ibinahagi nito ang kanyang sad moment.

Dahil ang bunso nitong anak na si Venice ay mawawalay na sa kanya.

Tuloy na kasi ang paglipad nito sa Tate para doon mag aral ng kanyang college.

Tatahakin na nga raw ni Venice ang bagong chapter nito sa buhay.

Sa Amerika na kasi mag-aaral ang bunsong anak ni Ruffa na si Venice.

Di na nga nagawang magpaalam ni Ruffa sa anak at idinaan na lang sa pag-iyak at hagulgol ang paglipaf nito sa Tate.

Di nga raw kinaya ni Ruffa na mawalay ang hunso niyang anak sa kanya pero para sa kimabukasan nito ang naging desisyon na sa U.S. ito mag-aaral.

Sa kabila ng kalungkutan ni Ruffa ay proud ito sa anak dahil pag-aaral naman ang rason kaya palipad ito ng Tate.