Advertisers

Advertisers

Bea kabado na sa edad 36 ay wala pang anak; Gerald todo-deny na ikakasal na kay Julia

0 19

Advertisers

Ni Rommel Placente

PINABULAANAN ni Gerald Anderson sa panayam sa kanya ng ABS-CBN News ang kumakalat na chikang ikakasal na sila ng girlfriend na si Julia Barretto this year. Ayon sa kanya ay wala itong katotohanan

Sabi ni Gerald.,”No!



“Kapag nangyari man ‘yun, it’s not something na itatago ko.”

Nabanggit din niya na kahit si Ogie Diaz ay nag-message na sa kanya tungkol dito.



“Even si Mama Ogs nagsabi sakin, ‘Ge! Totoo ba ‘yung ano?’ Eh sabi ko –I’ll be proud of that. Alam niyo, it’s cliche pakinggan pero ang dami pang nakalinya [na projects]…even her,” paliwanag ng binata.

Kasunod niyan, inusisa na si Gerald kung ano ang reaksyon niya sa bagong pelikula ni Julia katambal ang ex-boyfriend na si Joshua Garcia.



Ayon sa aktor, all out support siya para sa girlfriend at panonoorin pa nga raw niya ang bagong movie nito.

“I’m a silent supporter, alam kong pinaghirapan niya ‘yan,” sambit ni Gerald.

“That’s why we’re like this na naging okay kami for so many years is because sinusuportahan namin ang isa’t isa.”

Natanong din si Gerald kung hindi raw ba ito nagseselos dahil katrabaho ni Julia ang dating dyowa nito.

Ang sagot niya,”Sa totoo lang, awkward talaga ang trabaho namin. Andoon ako dati sa sitwasyon niya that’s why I tried to be as supportive as possible.”

“I don’t want to steal the spotlight. Pinaghirapan nila ‘yan eh and I know how hard it is to work on a movie na gusto mong mapanood ng maraming tao. So you just give it to her, it’s her time,” aniya pa.

***

SA interview ni Bea Alonzo sa show ni Boy Abunda na My Mother, My Story, sinabi niya na sa edad niyang 36 ay may nararamdaman na rin siyang pangamba dahil wala pa rin siyang anak.

Sey pa ni Bea, kapag daw naging nanay siya in the near future, gusto niya ring maging isang cool mom tulad ng kanyang mommy Mary Anne.

Pero inamin niya na hindi pa siya sure sa kanyang wish, dahil hanggang ngayon nga ay wala pa siyang sariling pamilya.

“That’s what I’m afraid of since I’m 36 and hindi pa ako nagkakaanak so iniisip ko, ‘Sana maging kasing cool ako ni mama.’

“If I have kids sana kasing cool ako na mom kagaya ng mama ko,” sabi ni Bea.

Samantala, nabanggit din ni Bea na gusto rin niyang tularan ang ina pagdating sa pagdidisiplina sa anak, na naging istrikto noon sa kanya at sa kapatid niyang lalaki.

“Just like my mother, I would say. To be honest, she was very strict when we were growing up, and of course, back then I didn’t understand why?”

Natanong din ni Kuya Boy si Bea ng, “Sino ka nang dahil sa iyong ina?”

“I turned out to be a strong woman because of my mom. She taught me to stand for myself and stand for the truth, always.”

Bukod sa pagiging mag-ina, parang mag-BFF din daw ang turingan nila dahil hindi naman ganu’n kalayo ang kanilang mga edad.

“She got pregnant when she was 19 and she had me when she was 20. So we’re also good friends. Growing up parang wala masyadong generation gap,” sabi pa ni Bea kay Kuya Boy.