Advertisers

Advertisers

Hungary tinambakan ang Gilas Pilipinas Women

0 24

Advertisers

NAKAMTAN ng Gilas Pilipinas Women ang kanilang pangalawang kabiguan sa kamay ng No.16 Hungary, sa Group C ng FIBA Women’s World Cup 2026 Pre-Qualifying Tournament,97-60.

Dahil sa talo ay mahihirapan ang world No.40 Philippines na makarating sa semifinals.

Ang Pilipinas ay taglay ang 0-2 rekord na may two points at nasa dulo ng Group C.



Ginamit ng Hungarians ang kanilang height at size para ipadlak si Jack Animan at kontrolin ang boards, 57-24.

Lyamado rin ang Hungary sa second chance points na 27,kumpara sa Pilipinas’ apat.Bagamat ang Pilipinas ay maraming steals na 11 kumpara sa Hungarian’s seven. Ang Pilipinas ay nagtala rin ng four blocks.



Pinamunuan ni Afril Bernardino ang opensa ng Pilipinas na 11 points,six rebounds,one assists, at four steals. Habang si Ella Fajardo bumakas ng 10 points, two rebounds at assists.

Animan, na nagtala ng double-double laban sa Brazil, ay nalimitahan sa six points,rebound,two steals, at block. nagkamit rin siya ng 5 turnovers.



Samantala, tatlong players ang may double-double digits para sa Hungary.Agnes Torok umiskor ng 25 points.

Dahil sa dalawang talo, ang Pilipinas ay nasa dulo ng Group C. Top two lang makakakapasok sa crossover knockout semifinals.

May laban pa ang Pilipinas kontra Undefeated Senegal sa Huwebes, Agosto 22, 5 pm philippine time.