Advertisers

Advertisers

Labanan sa pagka-mayor ng Maynila, umiinit na

0 37

Advertisers

Ni Jimi Escala

HINDI pa man opisyal na kinukumpirma ni Isko Moreno pero maugong na balita tungkol sa kanyang intensiyong muling kumandidato bilang alkalde ng Maynila sa halalan sa Mayo 12, 2025.

Makikita na sa paligid ng lungsod ang mga poster at banner niya lalo na sa Tondo at Baseco ay namumulaklak na ang mga nakapaskel na tarpaulin na nagsasabing Yorme magbabalik na huh!



Lalong umingay at tuwang tuwa ang mga nagmamahal kay Isko at nakakasigurado na sila na muling babalikan ni Isko ang posisyong iniwanan nito noong 2022 nang tumakbo siyang pangulo ng Pilipinas dahil sa kanyang nakakaintrigang Facebook post.

Ito ay ang sikat na lyrics ng “Manila,” ang 1976 hit song ng Hotdog.



“Manila, I keep coming back to Manila… Simply no place like Manila… Manila, I’m coming home!”

So ngayon pa lang ay sigurado na si Isko na wala nang makapipigil sa kanyang muling tumakbo na mayor ng Maynila, ang posisyon na hinawakan niya mula Hunyo 30, 2019 hanggang Hunyo 30, 2022.



Kung sa unang patawag ni Yorme sa barangayan ay sinamahan siya ni Ali Atienza na sinasabing magiging running mate ni Isko ngayon ay ang former Star Circle member na si Chi Atienza-Valdepenas ang magiging running mate ni Yorme.

In fact, naglalabasan na rin ang mga larawan at posters nilang magkasama sa paligid ng Maynila.

Si Chi ay anak ni former Manila City Mayor Lito Atienza at nakababatang kapatid ng TV host at weather anchor na si Kim Atienza at Ali Atienza.

Kasalukuyang napapanood si Chi sa Rise and Shine Pilipinas, ang morning news program ng PTV4.

For sure, iiwanan ni Chi ang programa kapag naghain na sila ni Isko ng kanilang mga kandidatura sa Commission on Elections sa Oktubre 2024, huh!

***

SIYEMPRE, mahigpit na makakalaban ni sko ang incumbent mayor at dating kaalyadong si Mayor Honey Lacuna na makaka-tandem naman ang incumbent vice mayor na malapit din kay Isko na kapwa aktor pa ring si Vice mayor Yul Servo.

At Ang latest ngayon ay nagkakainitan na sa session sa Manila City hall..

Ang mga kunsehal daw ay nagkampihan na.. yung dating magkakasundo ay hati na sa dalawang grupo.

Siyempre, dahil out numbered yung maka -Isko kaya majority block ngayon yung na kay Mayora Honey.

Lahat daw ng kumampi kay Yorme ay tinanggalan umano ng committee budget, huh!

Bukod pa rin kay Mayora ay makakatapat pa rin ni Yorme Isko na makakalaban for Manila Mayor sina Naida Angping at Cong. Sam Versoza, huh.