Advertisers

Advertisers

Bela kapalit ni Anne sa ‘It’s Showtime’?!

0 47

Advertisers

Ni Jovi Lloza

TRENDING ang pamamaalam ni Anne Curtis sa noontime show na Its Showtime na na-upload sa Tiktok.

Pero trending at viral din ang umano’y papalit sa TV host actress singer na si Anne.



Naging matunog kasi ang namesung ni Bela Padilla na siya raw hahalili kay Anne bilang host.

Pero wala pa naman kumpirmasyon mula sa management kung pansamantala or pangmatagalan na si Bela sa lunch show.



Abangers ang mga tagasubaybay ng Its Showtime si Bela na ba talaga ang kapalitan ni Anne.

***



Joshua may
ibinuking sa kanila ni Julia

NAPAKA happy ng bidang lalake sa Un Happy For You na si Joshua Garcia dahil bukod sa nagklik ang kanilang balik tambalan ng dating ex na si Julia Barretto, humataw ito sa takilya na ang total gross ay 200M kita sa takilya.

Ang Unhappy For You na kaya ng JoshLia ang magpapataob sa top grosser na Hello Love Goodbye ng KathDen?

Samantala, dagdag pagbubuking ni Joshua sa kanilang balik tambalan sa pelikula, nagkabalikan na rin ang kanilang mga puso bilang magkaibigan.

Mula naman ng maputol na ang kanilang relasyon ay naputol na din ang kanilang komunikasyon.

Dahil sa UnHappy For You film bukod sa pagtatambal nila ay balik magkaibigan na sina Joshua at Julia na dating mag ex.

Well, well, well… ‘Yun na!