Advertisers

Advertisers

Ogie nilinaw na fake newa ang paghihiwalay nila ni Regine dahil sa ibang tsiks

0 13

Advertisers

Ni Rommel Placente

MAY napapanood na isang video na umano’y nagtaksil si Ogie Alcasid sa misis niyang si Regine Velasquez. Bukod sa Asia’s Songbird, ang ibang babae umano sa buhay ng singer-composer-comedian ay mas maganda, mas bata at mas sexy kay Regine.

Nang malaman/mabisto daw ‘yun ni Regine, galit na galit daw ito kay Ogie. Kaya hindi niya na raw ito pinapapasok sa kanilang bahay. Wala na raw karapatan si Ogie sa kanilang bahay. Doon na lang daw umuwi si Ogie sa ibang babae nito.



Nagplano na rin daw mag-file ng divorce si Regine. Humihingi naman daw ng kapatawaran sa kanya si Ogie sa nagawa nitong pagtataksil, pero hindi niya raw ito pinatawad.

Nagulat kami sa balitang ito. Hindi kami naniniwala na magagawang magtaksil ni Ogie. Ideal ang pagsasama nila ni Regine. Sabi namin sa aming sarili, siguradong biktima lang ng fake news ang mag-asawa, at wala itong katotohanan.



True enough, dahil sa pamamagitan ng kanyang social media account ay pinabulaanan ni Ogie na magpa-file ng divorce si Regine dahil sa umano’y nagawa niyang pagtaksilan ito.

Sabi ni Ogie,”This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife, and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito.”



***

IPINAGTANGGOL ni Sen. Jinggoy Estrada ang sarili matapos batikusin dahil sa umano’y pagiging harsh daw niya sa pagtatanong kina Gerald Santos at Sandro Muhlach kaugnay sa usaping sexual abuse at harassment.

“I was not tough. I was fair in judging. Marami ang nagsasabi na masyado raw akong tough. I was not tough, I was not defending GMA,” sabi ni Sen. Jinggoy sa panayam sa kanya ng radio host na si Gorgy Rula.

Patuloy niya,“‘Nung nagreklamo siya (Gerald) after 5 years, inaksyunan naman ng GMA. Ano pa ba ang gustong mangyari, sabi kong ganun.”

Ibinunyag niya rin na nagkausap sila ni Gerald kaugnay sa isyu na ito at nagpasalamat pa nga raw sa kanya ang singer-actor.

“Tapos nung nagkaroon ng break, nag-usap pa kami pinatawag ko. Sabi ko, ‘Ano pa ba ang gusto mong mangyari diyan? Kung gusto mong kasuhan, wala pa naman yatang prescriptive period ‘yan, kasuhan mo na,’ parang ganun.

“Umakyat pa ‘yan sa opisina ko, nagpasalamat pa sa akin e. Tapos sasabihin, I was too tough.”

Dahil diyan, may panawagan si Sen. Jinggoy para sa mga nadismaya umano sa pag-handle niya sa pagdinig: “They better check their facts first before they judge me.”