Advertisers
Ni Jovi Lloza
BUSY na pala si Daniel Padilla sa bago nitong project.
First time nga lang siya magsosolo sa project. Dati na kasing nakasanayan na mula nang mag start ang karera nito ay may ka loveteam na ito na si Kathryn Bernardo.
Sa lahat ng project nito ay di puwedeng di magkasama ang loveteam sa kahit na anong project.
Pero ngayon ay mag isa na lang ito sa bagong project.
Kung dati ay pa-tweetums at pa-cute ang awrahan ni Daniel sa lahat ng project nito, shift na nga ito into another image sa bago nitong project na Igcognito na makakasama niya si Richard Gutierrez.
First time sa kanyang karera ang mag aksyon kaya may mga aabangan na bago ang kanyang tagahanga.
\
Well, well, well… ‘Yun na!