Advertisers

Advertisers

ANDREA TULOY ANG PERFUME BUSINESS KAHIT WALANG PANG-AMOY; REGINE TYPE UMBAGIN ANG NAGPAPAKALAT NA HIWALAY NA SILA NI OGIE

0 18

Advertisers

Ni Beth Gelena

NAG-selebreyt si Ogie Alcasid ng kanyang kaarawan sa It’s Showtime.
Mini-concert ang ginawa ng OPM singer na ikinasaya ng studio audience.
Nasa crowd ang misis ni Ogie na si Regine Velasquez kasama ang anak nilang si Nate.
After ng production number ng singer ay kinuha ni Kim Chiu ang Asia’s Songbird para hingan ng birthday message para sa birthday celebrant.
Nagpaulak naman si Reg at na-teary eyed ang singer/songwriter/composer sa magagandang salitang sinabi ng kanyang misis.
Pagdidiin pa ng singer, “napakabait po ng asawa ko alam ko yan dahil naka-sentro siya sa Diyos. Very proud ako sa asawa ko. Honey, I love you!”
Pero, may pahabol ang Asia’s Songbird, “by the way gusto ko lang semplakin yung nagsasabing hiwalay na kaming mag-asawa … maghintay ka dyan ha.. maghintay ka!
Aniya pa, “hindi po kami maghihiwalay Huwag po kayong maniniwala sa mga nasusulat at nababasa nyo na hiwalay na kaming mag-asawa, wala pong katotohanan yan. Masaya pa rin po kaming magkasama. Nagkakatampuhan, oo, pero natural lang yun sa mag-asawa, pero hindi po para maghiwalay kami.
“Hindi ko alam kung bakit gustung-gusto niya na maghiwalay kaming mag-asawa. Maghintay ka dyan ha tinitingnan kita.. Maghintay ka lang,” sey ng singer.
***
SI Andrea Brillantes ay pinanganak na may congenital anosmia o walang pang-amoy.
Ibinahagi ng young actress sa kanyang TikTok video ang kanyang kondisyon.
Aniya, nang malaman niya na siya ay isang babaeng walang pang-amoy kaya nangolekta siya ng mga pabango dahil gusto niya ay palagi siyang mabango.
Dahil din sa kanyang ‘sakit’ ay na-obsess siyang magkaroon ng sariling perfume line.

Ayon sa WebMD, ang congenital anosmia ay isang kondisyon kung saan hindi na-develop ang olfactory system ng isang tao, na nagreresulta sa kawalan ng pang-amoy mula pagkabata.



Aminado si Andrea na noong una ay nag-alangan siya na maglabas ng perfume line. Inisip niyang mahirap ipromote ang kanyang produkto dahil alam ng publiko ang kanyang kondisyon. Naalala niya ang isang karanasan kung saan umatras ang isang product endorsement matapos malaman ang tungkol sa kanyang congenital anosmia.

Post niya sa kanyang Instagram Page, “yes I don’t have a sense of smell, but I release a perfume line!”



Sa kondisyon ni Blythe, hindi naman daw naapektuhan ang panlasa ng aktres sa pagkain.

Sabi ng kanyang ina, “for those asking if her sense of taste is affected, fortunately No. She can taste and she had a good appetite. This girl loves food.”



“Hi blythe! I’m in the way situation. I can’t differentiate scents well either. That’s why I also developed a liking perfumes. But I usually go with what my friends or husband prefer madalas sa mga idol celebrities ko like Beyonce, Bea Alonzo and now this (yours). But wait I’m interested. Where and how can I place an order?”

Hahaha nakakuha pa ng customer ang aktres.