Advertisers

Advertisers

7 nasawi, 5 sugatan nang araruhin ng truck ang 20 sasakyan

0 267

Advertisers

DEAD ON THE SPOT ang pito katao at lima pa ang kritikal nang araruhin ng trailer truck na may kargang bulldozer ang halos 20 sasakyan sa Aplaya, Jasaan, Misamis Oriental, 12:00 ng madaling araw nitong Miyerkules.
Kinumpirma ni Police Major Evary Bacunaua ang pagkamatay ng dalawang barangay kagawad ng Aplaya na sina Wilredo Capillador, Jr. at Lemuel Edorot.
Kabilang sa casualties ang mula sa pamilyang Monticello, Lauron at Kampion na nanggaling pa sa isang huling lamay ng yumaong kamag-anak.
Kinustodiya na ng Jasaan MPS ang driver ng trailer truck na si Vincent Abuloc, samantalang isinugod din sa ospital ang kanyang pahinante dahil binugbog ito ng mga nakasaksi sa malagim na disgrasya.
Base sa nakasaksi, naputol ang chasis ng truck na nagkarga ng bulldozer kung kaya’t nagresulta ito sa pag-araro ng mga nakaparadang sasakyan, kabilang na rito ang pribadong sasakyan ng mga pamilyang nanggaling sa lamay.
At partially damage ang bahay at tindahan na nadamay rin sa disgrasya.
Patuloy pang iniimbestigahan ang insidente.