Advertisers
Totoong posibleng maging magkakampi sina LeBron James at Steph Curry sa LA Lakers.
Tumindi ang ugong dahil sa magandang resulta ng team-up nila sa Paris Olympics.
Ito rin gusto ng mga tagahanga ng dalawang kampo. Mangyari ay nais nila magkaroon ng panlimang singsing ang mga idolo sa twilight ng kanilang mga career.
Kung matuloy ito ay malaki ang hihinging kapalit ng Golden State para bitiwan ang kanilang star cager. Multiple picks at maaring kasama sina Austin Reeves, Rui Hachimura, Jared Vanderbilt at D’Angelo Russell aa trade.
Mega balita ito kung maganap.
Nguni’t hindi rin ito garantiya na magwawagi ang Lakers ng korona. Ang sigurado lalong susubaybayan ang mga laro ng purple and gold na super team.
Mapapanood kasi natin ang ganire…
Rebound by Davis, passes to James, then assists Curry for a three point bomb!
Exciting to the max!
***
Ang social media ay napakahalaga sa pamamahayag. Ayon sa mga eksperto ay kailangan may presensya ka sa Facebook, Twitter at mga kahalintulad na platform kung nais mo na nasa top of mind ng mga tao.
Ke celebrity o kumpanya o liga ka dapat ay aktibo ka dito para tangkikikin ka ng mga mamamayan o netizen.
Pero hindi sapat sa sarili mo lang pangalan ang mga posting. Mayroon ka ring mga binabayaran na mga ganito ang trabaho. Ito yung mga lumilikha ng mga regular na ulat na positibo sa iyo. Yung inaakala ng marami na walang kinalalaman sa iyo pero mga balita naman puro tungkol sa iyo.
Pansinin ninyo mga pina-follow sa Facebook halimbawa. Kung minsan sobrang papuri sa isang personalidad o torneo. May mga post din na negatibo sa kalaban. Fake news pa nga kamo madalas ang tungkol sa katunggali.
Hay naku. Careful careful.
***
Yung pastor na mahusay sa tres, magaling din kaya sa four point shot?
Sir, sample naman. Malamang kaya mo rin yan.
Labas ka na sa lungga at pakitaan mo mga taga-PBA. Malamang panis sa iyo sina Paul Lee at Chris Banchero.
Matutuwa rin mga pulis na naghahanap sa iyo.Sige na please!