Advertisers
KALABOSO ang isang tindero ng sari -sari store makaraang mahulihan umano ng hinihinalang iligal na droga sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Unang Sigaw, Quezon City noong Linggo (Agosto 25).
Kinilala ni PMAJ. Jacinto Pascual lV chief ng QCPD station 3 Talipapa chief ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang nadakip na suspek na si Joemar Valoso, 20-anyos, alyas Mamang, may live in partner at residente ng no. 1363 GANA Compound, Brgy. Unang Sigaw, QC.
Ayon kay PSSg Neil Christian Cyrus Marquez Fresco imbestigador nadakip ang suspek 10:45 ng gabi nitong Agosto 25 (Linggo) sa no. 1364 Gana Compound, Brgy. Unang Sigaw, QC.
Sinabi pa ni Fresco na nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Talipapa police SDEU sa pangunguna ng hepe nito na si PMajor Pascual lV laban sa suspek matapos makatanggap ng ulat ng pagkakasangkot umano nito sa iligal na droga sa naturang lugar.
Narekober sa suspek ang dalawang (2) grams ng shabu na nagkakahalaga ng P13,600.00.
Kasalukuyan ngayon nakapiit ang suspek sa naturang himpilan at nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Boy Celario)