Advertisers
NAKAMIT ng 67 taong gulang n Pinoy na si Jose Efren Bagamasbad ang ika-6 na pwesto sa idinaos na Asian Seniors Championships noon August -19 sa Ulaanbaatar. Nakipagtagisan si Bagamasbad sa kategoryang 65-year-old-and-above.
Ayon pa sa DFA, ang Asian Seniors Championships ay ginaganap taun-taon at may dalawang kategorya: 50-64 year-old at 65 years old pataas.
Hindi ito ang unang pagkakataong lumahok si Bagamasbad sa nasabing international chess tournament, nakamit niya ang titulong “International Master” taong 2022 na idinaos sa New Zealand habang nagkampeon siya rito nang idinaos naman ang kompetisyon sa Pilipinas noon lamang nakaraang taon.
“Efren’s triumph is proof of the importance of pursuing one’s passions, because there can be no limits if we put our minds to it,” pahayag ni Philippine Ambassador Jaime A. FlorCruz kasabay ng kanyang pagbati sa Filipino chess player.
Sa darating na Nobyembre, umaasa si Bagamasbad na makalalahok siya sa World Senior Championships na gaganapin sa Portugal.