Advertisers

Advertisers

AHAS NA NAGBALATKAYONG ANGHEL SA PODER NG DUTERTE CLAN!

0 3,036

Advertisers

Mistulabg ginawang kalasag ang mga taga-sunod sa relihiyong KINGDOM OF JESUS CHRIST (KOJC) upang huwag maaresto ng mga OPERATIBA ng PHILIPPINE NATIONAL POLICE (PNP) ang AHAS NA NAGBALATKAYONG ANGHEL at SELF PROCLAIMED SON OF GOD na si PASTOR APOLLO QUIBOLOY.

Noong 2021, si PASTOR QUIBOLOY ay KINASUHAN sa UNITED STATES hinggil sa mga nakaririmarim na mga kaso tulad ng SEXUAL ABUSE, SEXUAL TRAFFICKING OF CHILDREN at iba pa ng mga dati niyang naging miyembro ng KOJC.., subalit sa karuwagan nito at hindi mapanindigan ang ipinangangalandakan niya bilang SON OF GOD ay nagtago ito sa kaniyang KINGDOM at ipinampronta o ipinam-bala ang kaniyang mga taga-sunod upang mapigilan ang magsisipang-aresto sa kaniya.

Noong naging PRESIDENT si RODRIGO DUTERTE ay doon nagsimula ang pagiging tanyag ni PASTOR QUIBOLOY nang siya ang umaktong SPIRITUAL ADVISER ng MATANDANG DUTERTE lalo na sa barbarikong WAR ON DRUGS o ang epektong EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK).., na libong katao ang basta na lamang tinimbuwang dahil sa akusasyong drug user o drug pusher.



Ngayong wanted si PASTOR QUIBOLOY na nanagpang sa mga naggagandahan niyang mga taga-sunod ay RESCUE TO THE MAX ang DUTERTE CLANS at mga TROPA nito sa pagkondena at pag-aakusang OVERKILL ang paglusob umano ng mga pulis sa pamumuno ni REGION 11 CHIEF, BRIG. GEN. NICOLAS TORRE at ang aksiyon ng kasalukuyang administrasyon ay POLITICAL HARASSMENT at ABUSE OF AUTHORITY raw.., gayung sa administration noon ni DUTERTE ay batbat ng HUMAN RIGHTS ABUSES ang naging kaganapan sa ating bansa.

Ang DUTERTE CLAN at mga TROPA nito ay nanawagan sa LAW ENFORCERS na huwag maging marahas at sa halip ay ipairal ang kapayapaan gayong noong DUTERTE ADMINISTRATION ay ipinairal nito ang mala-impiyernong pamamaslang sa mga inosente at mga personalidad na nagbubulgar sa tunay na larawang nagnanais mamaniobra ang mga sindikato.., at ngayon ay mas pinoprotektahang pa ang AHAS sa pustorang SON OF GOD na ipinagwawalang-bahala ang panaghoy ng mga kaanib niyang kaniyang sinagpang.



Sa pagdedepensa ni EX-PRES. DUTERTE sa kaniyang PIDOPILYANG TROPA ay tila piniringan nito ang sariling mata upang huwag nang makita oa ang mga nananangis na biktima mula sa pang-aabuso ng nagpapanggap na SON OF GOD.., ika nga, right timing para sa DIVERSIONARY TACTICS upang mawala ang isyung ipinupukol sa kaniya ng mga personalidad na ‘IPINATUTUMBA’ upang mapagtakpan ang pagiging LORD ng mga DRUG LORD.

Sa isinasagawang CONGRESS QUAD COMMITTEE HEARING.., ang mga dating LAW ENFORCER na nagsisilbi ngayong RESOURCE PERSON ng COMMITTEE HEARING ay direktang sina CONG. PAOLO “PULONG” DUTERTE, ATTY. MANASES “MANS” CARPIO (asawa ni VP SARA) at DAVAO CITY COUNCILOR NILO “SMALL” ABELLERA JR. ang umano’y MASTERMIND sa pagpapalabas ng mga SHIPMENT mula sa MANILA PORT AREA tulad ng MAGNETIC LIFTER na naglalaman ng tonetoneladang SHABU.



Mga ka-ARYA.., ang LAWMAKERS natin ay napapanahon ngayon na ipairal ang maka-taong pagseserbisyo at ang patuloy na pagtanggi ni EX-PRES. DUTERTE sa QUAD COMMITTEE INVITATION ay kinakailangan na ang tunay na pagpapairal ng “NO ONE IS ABOVE THE LAW”.., maging PRESIDENT o PASTOR ay kinakailangang papanagutin kung sila ay may pagkakasala…, ang mga MAPAGBALATKAYONG ANGHEL ay kailangang talupan at ang pagiging mga DEMONIC LEADER ang lilitisin upang ipataw ang JUSTICE para sa kapakanan ng mga naabuso sa ating lipunan!

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.