Advertisers

Advertisers

Karen binanatan si Sen. Jinggoy; Hiwalayang Ogie at Regine, kuryente

0 41

Advertisers

Ni Jimi Escala

USAP-usapan sa social media at maging sa mga taong mahilig sa balitang showbiz ang hiwalayan daw mag asawang Ogie Alcasid at Regine Velasquez, huh!

Dagdag pang balita na kapwa inaasikaso na raw ng dalawang Kapamilya singers ang kanilang divorce paper.



Siyempre, nakarating ito sa kaalaman ni Ogie at nay nag share sa kanyang Threads post.

Agad itong itinanggi ni Ogie at pinabulaanan ng sikat na mang aawit ang nabanggit na isyu, huh!



Hindi raw totoo at malayo sa katotohanan ang pinakakalat na fake news ng Facebook page na ang nakalagay pa sa headline ay ganito: “Regine Velasquez pinaaasikaso na Divorce Papers nila ni Ogie Alcasid matapos ng Pagtataksil!”

“This post was sent to me. It is so sad that the owner would spread rumors about our marriage that is so sacred to both me and my wife and fabricate stories about our supposed separation. I report po natin ito,” paliwanag pa ni Ogie, huh!



Sa ngayon ay wala namang binanggit si Ogie kung may balak ba siyang magsampa ng kaso laban sa hindi pa matukoy sa ngayon na nasa likod ng mapanirang post

Pero maraming malapit kay Ogie at mga fans ng aktor-singer ang humihimok sa kanya na bigyan ng sampol at para magtanda ito upang hindi na pamarisan.

Hindi raw sapat na i-report lang ang page. Gayahin niya raw ang aktor na si Mon Confiado na nagsampa ng demandang cyber libel laban sa isang vlogger na gumawa umano ng kuwento laban sa kanya.

Ayan hindi totoong maghihiwalay na ang mag-asawa Ogie at Regine, huh!

***

MAY pasaring ang sikat na Kapamilya newscaster na si Karen Davila na very obvious ay para kay Senator Jinggoy Estrada.

Sa tweet ni Ms. Karen: “To our lawmakers,

“Stop victim blaming.

“Treat victims with compassion and sensitivity. Reliving a traumatic experience is horrific, more so in a public hearing.

“Stop barraging, asking “why did it take you 5 years? You should’ve filed a complaint immediately”. Victims are scared. They feel ashamed.

“And this kind of public shaming will not help victims to come out.

“Let me remind our senators, you serve the people. You are not gods. Do not act like it.”

Marami talaga ang nagreak sa klase ng pag- iimbestiga ni Sen. Jinggoy Kay Gerald Santos.

May ilan pa ring hindi gets ang ginawa ng senador lalo na sa tono ng pagtatanong niya kay Gerald.

Binanggit pa nga ni Gerald na hindi naman talaga GMA ang inireklamo niya kundi ang ginawa sa kanya na isang musical director huh!

“Hindi po GMA network ang kalaban ko kundi ‘yung mga tao na galit sa akin sa loob ng GMA dahil sa pagsusumbong ko at ayaw akong bigyan ng trabaho nung mga panahong ‘yun.

“Lumipat po ako sa TV5 dahil may trabahong naghihintay sakin dun at tatanggapin lamang nila ako kung may release papers.

“Pero kung sinagot po nila ang aking kahilingan na mabigyan ng trabaho ay hindi po ako aalis dahil sa simula at simula ay isa akong Kapuso.

“The fact na tinanggal nila ang aking inakusahan ay nangangahulugang may probable cause. Pero wala kami natanggap na official reply mula sa kanila kaya after one year ay sumulat ang manager ko sa kanila,” litanya pa ni Gerald, huh!