Bacoor Lady Strikers nangingibabaw sa MPVA
Advertisers
WINALIS ng Bacoor Lady Strikers ang winless Valenzuela Classy,23-25, 25-18, 25-17, para sa kanilang ikatlong tagumpay sa apat na laro sa Maharlika Pilipinas Volleyball Association (MPVA) sa Bacoor Strike Gym, Barangay San Nicolas 2 Lunes.
Tumipa si Jemalyn Menor ng 21 points on 18th hits upang pamunuan ang opensiba ng Bacoor. Shaila Omipon at Charisse Enrico nagdagdag ng tig -15 points para sa team.
Ang Lady Strikers, na nangibabaw sa inaugural staging ng paligsahan nakaraang taon ay pinapaboran na muling lumutang ngayong taon na ang MPVA ay ilulunsad ang kanilang unang full season.
Ang Coast Guard-backed Valenzuela team ay pinamunuan ni Abegail Nuval sa iniskor na 18 points,Javen Sabas may 11 points at Sheeka Espinosa may 7 points
Sa ibang laro, ginapi ng Biñan ang ICC-Negros, 25-18, 25-15, 25-17 para sa kanilang pangalawang panalo sa 3 laro habang ang San Juan giniba ang Marikina,25-17, 25-13, 25-22.
Ang Biñan ay pinamunuan ni Erika Jin Deloria na nagtapos ng 15 points habang si May Ann Nuique at Honey Grace Cordero nagdagdag ng 13 at 11 points, ayon sa pagkakasunod.
Samantala, si Nicole Alyanna Ong umiskor ng nine points para sa San Juan habang sina Anne Margaux Dela Cruz at Raissa Janel Ricablanca nag-ambag ng tig- seven points,ayon sa pagkakasunod.