Advertisers

Advertisers

POLICE MAJOR, 2 PANG SANGKOT SA ROBBERY TIMBOG!

0 486

Advertisers

NADAKIP na sa follow up operation ng pinagsanib na puwersa ng SWAT, Provincial Intelligence Unit, at Provincial Mobile Force Company ang 3 pulis kabilang ang isang opisyal mula sa pitong suspek sa robbery sa isang negosyante sa Saint Francis Subdivision, Barangay Burol 2nd, Balagtas, Bulacan.

Sa report sa tanggapan ni PNP Region-3 Director, Brigadier General Jose Hidalgo Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Major Armando Reyes, 55 anyos, ng Brgy, Sta Cruz, Sta. Maria, at nakatalaga sa Hagonoy Police Station; PSSg. Anthony Ancheta, 48, ng Brgy. Mojon, nakatalaga sa Malolos City Police Station; at PSMs Ronnie Galion, 43, ng Brgy. Mag-asawang Sapa, at nakatalaga sa bayan ng Sta. Maria Police Station.

Habang ang biktima ay nakilalang si Emerson Magbitang, 35, negosyante at supplier ng pharmaceutical.
Base sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad, naganap ang pagnanakaw sa tahanan ng biktima 10:00 ng umaga ng Miyerkoles, Agosto 28, sa nabangit na lugar.



Tinatayang aabot sa 30 milyong piso ang natangay ng mga kawatan.

Alas-9:00 ng gabi nang masukol ng mga pulis ang mga suspek sa manhunt operation.



Tinutugis ng mga awtoridad ang apat na sibilyan na kasamahan ng mga nadakip na pulis. (Thony D.  Arcenal)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">