Advertisers

Advertisers

Sekyu pinatay ang nanggahasa sa anak

0 54

Advertisers

BINARIL-PATAY ng isang security guard ang kanyang 57-anyos na kamag-anak habang naglalaba sa tapat ng kaniyang bahay sa Tondo, Manila.

Nakita sa CCTV footage ang pagbaril ng sekyu na kalmadong naglalakad palayo sa pinangyarihan ng krimen.

“Binaril siya nang malapitan, habang siya (biktima) ay nakatalikod, 2 beses, na kaagad niyang ikinamatay. Kamag-anak niya itong biktima. Nagawa niya ito dahil hinalay ng biktima yung kaniyang anak,” ayon kay Manila Police District (MPD) director Brigadier General Tom Ibay.



Dahil sa kuha ng CCTV, natukoy ang pagkakakilanlan ng 42-anyos na salarin at naaresto sa follow-up operation.

Ayon sa pulisya, nagalit ang sekyu sa biktima na kaniyang kamag-anak nang matuklasan ang ginawang panghahalay sa 15-anyos na anak na babae tuwing nagpapamasahe.



Nagpasya ang sekyu na patayin ang biktima nang malaman niya na hindi agad ito maaaresto dahil noong nakaraan taon pa nangyari ang krimen, at kailangan pa nila magsampa ng demanda sa korte.

Nang tanungin sa piitan, inihayag niyang hindi siya nagsisisi sa kaniyang ginawa. ‘“Kasi sa tingin ko tama naman ‘yon sa kaniya. Hinalay kasi niya ang anak ko nang mahabang panahon. Masakit kasi siyempre lolo siya tapos apo niya ang anak ko,” ayon sa salarin. (Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">