Advertisers

Advertisers

PBBM NAGLUKLOK NG 2 NYC EXECS

0 8

Advertisers

INILUKLOK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Joseph Francisco Ortega bilang bagong chairperson ng National Youth Commission (NYC).

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang pagkakatalaga kay Ortega ay bahagi ng pangako ng pamahalaang Marcos na patatagin ang posisyon ng mga kabataang Pilipino.

Aniya, nais din ng kanyang administrasyon na tiyakin na ang tinig ng mga tinaguriang ‘pag-asa ng bayan’ ay maririnig sa pinakamataas na antas ng gobyerno.



Nagpahayag ng kumpiyansa si PBBM na sa pamamagitan ng malawak na karanasan ni Ortega sa larangan ng turismo at youth advocacy, magagampanan nito nang mahusay ang pamumuno sa NYC sa kanilang misyon na itaguyod ang mga patakaran para sa kapakanan at pag-unlad ng mga kabataang Pinoy sa buong bansa.

Nabatid na bago ang kanyang appointment ay nagsilbi rin si Ortega bilang regional director ng Department of Tourism (DOT) sa Region 1 mula pa noong taong 2019.



Kasabay nito, hinirang naman ni Pangulong Marcos si Karl Josef Legazpi, direktor sa Kamara, bilang ikalawang Commissioner-at-Large ng nasabing komisyon. (Gilbert Perdez)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">