Advertisers
ARESTADO ang isang security guard nang ireklamo ng kasong Adultery at illegal possession of firearm ng mister ng babaeng kanyang kinatalik sa loob ng guard house sa Lipa City, Sabado ng gabi.
Kinilala ang security guard na si Leonil Seplo, guwardiya ng isang farm.
Ayon sa report, hinahanap ng 28-anyos na mister ang kanyang misis hanggang sa makarating ito sa bisinidad ng Unacho Farm sa Purok 3, Barangay San Francisco.
Narinig daw nito ang tila boses ng kanyang misis sa loob ng guard house.
Sa dudang ang kanyang misis ang nasa loob, sinipa nito ang pinto at tumambad sa kanya ang walang saplot na misis at nakapatong ang sekyu, nasa akto ng pagtatalik.
Agad himingi ng tulong ang mister sa mga barangay tanod subali’t tinutukan pa ito ng baril ng sekyu na naagapan ng mga tanod at naaresto.
Sa imbestigasyon ng pulisya, walang maipakitang lisensya o anumang dokumento ang sekyu sa kinumpiska ditong baril na Armscor 12 gauge shotgun.
Nakakulong ang sekyu sa Lipa City police station at nakatakdang sampahan ng kaso, samantalang kakasuhan din ng mister ang kanyang misis na si alyas Jenny.