Advertisers
Ni Jovi Lloza
SA post ni Richard Gomez sa kanyang socmed account ay nagpahiwatig ito ng pagkadismaya.
Natrapik daw sa EDSA si Goma na kanyang ikinairita na more than 2 hours.
From Makati ay patungo ang actor- politician sa QC pero naipit na ito ng matinding trapik.
Kaya sa pagkairita ay sina-suggest nito na i open ang busway para sa mga pribadong sasakyan lalo na kung traffic hours.
Napakaluwag daw ng busway na iilan lang ang dumadaan na kung saan ay ang awrorisado lang na sasakyan na puwedeng dumaan sa busway ay ang fire truck at ambulance.
Kaya inulan ito ng batikos na naturingan pa naman daw itong mambabatas, kontra ang kinauukulan sa suhestyon ni Goma na buksan ang busway.
Hindi na nga raw inisip ni Goma ang mahihirap na Pinoy na nagko-commute lang na gusto pa ihalo ng actor-politician sa sikip ng daloy ng trapiko.
Burado na ang nasabing komento ni Goma pero may mga netizen na nag-screenshot kaya di ito nakaligtas sa batikos.
***
Catriona nanlumo nang manakawan
SA IG story ng 2018 Miss Universe Catriona Gray ay ibinahagi nito na siya ay pauwi na.
Nag park nga lang daw sila ng sasakyan pero di nito sukat akalain na mangyayari yun sa kanya.
Ipinakita din nito sa post ang basag na salamin sa likuran ng kanyang kotse.
Ayun, halos lahat ng kanyang gamit ay nawala at natangay pa ang kanyang passport.
Na-trauma ang beauty queen sa nangyari sa kanyang kotse na kinumpirma nitong nanakawan sa London.