Advertisers
Ni Beth Gelena
MAY madamdaming mensahe si Kim Chiu kay KaladKaren at hindi raw mapigilan ng huli ang maiyak.
Sa Instagram Stories niya ay binahagi ng TV host ang very touching at sweet message ni @chinitaprincess.
Aniya, “Iyak ako nang iyak sa message mo, sis. I love you so much! Thank you for our wonderful friendship. @chinitaprincess”
“Love you sis! always and forever! Alam mo yan!” sagot ni Kimmy.
Kamakailan ay nagkaroon ng
bridal shower ang TV host na inatenan ng kanyang mga kaibigan.
Sa September ang kasal ni Kaladkaren kaya pansamantala siyang naka-leave sa Frontline Pilipinas kung saan siya ang entertainment anchor sa nasabing news program ng TV5.
***
KYLINE DI PA RIN UMAAMIN KAHIT PANAY PDA
NILA NI KOBE
USAP-usapan ang viral video nina Kyline Alcantara at Kobe Paras kung saan nakakandong ang Kapuso aktres sa cager habang ito ay nagvi-videoke.
Nainterbyu ang Kapuso aktres hinggil sa real score nila ni Kobe.
Aniya, wala raw siyang masabing exact words,
‘What You See is What You Get,’ ang nasabi na lang niya.
Wala mang kumpirmasyon kung officially in a relationship na sila, ang masasabi lang daw niya ay very supportive si Kobe sa kanyang ginagawa.
“As long as alam po ng pamilya ko at ng mga kaibigan ko, eh iyun na po yun. Wala po talaga akong masabi na exact words e.”
Pero may mga netizens na hindi nagustuhan ang viral video ni Kyline at Kobe.
Anila: “Ang nakita ko ay indecency, shamelessness.”
“Pag inggit pikit, let them enjoy..chaka ka siguro kaya ganyan ka. Hehe”
“Lahat na lang talaga inggit? Nakakadiri ang kasagwaan ng standards nio, Gaya ng idol nyo”
“Uhhh normal to show affection? Wag tayo impokrita beh”
“luh anong masama sa ginagawa nila? kung in a relationship naman sila. OA ka masyado.”
“imaginine nyo nung ganyang edad kayo and nakakandong sa mga jowa nyo tapos makikita kayo ng magulang nyo, masasabi nyo parin ba yang “inggit pikit”? indecent naman talaga”
***
GERALD NAWINDANG NA MAY MAS BATA PANG NABIKTIMA KESA SA KANYA ANG MUSICAL DIRECTOR
HINDI lang pala si Gerald Santos ang biktima ng pang-aabuso mula sa kamay ng sinasabi niyang musical director kundi meron pa rin daw iba.
Isa na namang video ang ibinahagi ng singer-actor sa kanyang YouTube vlog ang in-upload niya kung saan may iba pang mga biktima ang musical director na kanya nang pinangalanan nang siya ay nasa Senate hearing.
During the Senate hearing on August 27, ni-reveal na ni Gerald ang identity ng umano’y nang abuso sa kanya nung 15 years old siya.
Aniya sa kanyang post, after umano niyang pangalanan ang alleged abuser, he felt a certain ease in his being.
Sa uploaded video sa kanyang YouTube channel, after daw niyang sabihin ang pangalan ng musical director na si Danny Tan sa Senado, marami raw siyang natanggap na messages mula sa iba pang alleged victims ng musical director.
Napag-alaman pa niyang ang iba sa mga ito ay mas bata pa sa kanya nang sila ay maabuso.
“Grabe po, grabe ito. Kaya po siguro langit na po ang gumawa ng paraan para mapanagot or mapatigil ang ginagawang kasamaan nitong taong ito,” pakli ni Gerald.
Pero, wala raw siya sa posisyon para magsalita sa ibang nabiktima.
“It is their choice if they will speak also about what happened to them.”
Ibinahagi rin ng
singer-actor na in-offeran siya ni Senator Jinggoy Estrada ng protection at legal assistance para sa kanyang kaligtasan.
Wala pang nilalabas na statement si Danny Tan regarding sa akusasyon sa kanya.