Advertisers

Advertisers

FLIGHT OPERATIONS NG LINGAYEN AIRPORT AT IBANG PALIPARAN, SINUSPINDE NG CAAP

0 7

Advertisers

INIHAYAG ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na suspindido ang flight operation ng ibat-ibang Airport sa bansa dulot ng nagpapatuloy na bugso ng ulan at malakas na hangin dala ng bagyong ‘Enteng’

Sa Lingayen Airport , ang flight operations ay suspindido dahil sa patuloy na buhos ng ulan habang dalawang flight naman ang kanselado patungong San Jose Airport kung saan apektado ang 51 papaalis na pasahero at 53 arriving passengers.

Nabatid na sampung flight naman ang kanselado mula at patungo ng Bicol International Airport . Ang mga ito ay nasa bahagi ng Area V katulad ng Naga ( 4 cancelled flights ) Virac ( 2 cancelled flights ) ,Masbate ( 2 cancelled flights ) Daet, Bulan at Bacon.



Sa Calbayog Airport ay suspended din ang dalawang flights habang sa Tuguegarao, Cauayan, Palanan, Basco at Itbayat, gayundin ang Gen Av flghts ay awtomatikong suspendido dulot ng naturang bagyo

Samantala, kinumpima ng CAAP na huling iniulat na wala pang pinsala ang mga Paliparan ng Bicol international Airport Naga, Virac, Masbate, Daet, Bulan airport, dulot ng malakas na hangin at ulan dala ng Tropical Storm ‘Enteng’. (JOJO SADIWA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">