Advertisers

Advertisers

NAGHUBAD NG MASKARA SI INDAY SIBA

0 2,345

Advertisers

HINDI nakayanang harapin ng may dignidad ni Inday Siba ang mga kinatawang bayan nang mag-isang dumalo sa pagdinig hinggil sa inihahaing kaperahan ng tanggapang kinakatawan. Walang patumangang paulit – ulit na binabasa ang iisang sagot na ‘di makabisa sa mga tanong na ibinabato ng mga kinatawang bayan. Dahil ‘di makayanang sagutin ang mga tanong na ibinabato ng mga mambabatas kung paano at saan ginamit ang P125M ibinigay ng tanggapan ng pangulo sa loob ng 11 araw, hayun napikon ang prinsesa ng mga mangmang ng katimugan at halos maghubad at naghamon ng bugbugan.

Nawala sa sarili si Inday Siba kasabay ng pagkawala ng paggalang sa pwestong tangan, maging sa kapwa politiko na minsan naging kasama. Ang pangit na ehemplo ang ipinakita ni Inday Siba sa kapwa opisyal at sa bayan ng hubarin ang maskara ng kagalingan at tumambad ang tunay na kulay, ang pagiging mangmang. Sa paghuhubad ng maskara, nakita ang tunay na kulay ni Inday Siba, at tinawag na “Pusit” ng isang kinatawan.

Pusit, dahil ‘di masagot ang katanungan ibinabato ng mga mambabatas sa halip gamit ang tintang dugong upang makatakbo sa panghuhuli na ginagawa ng mga mambabatas. Sa bitag na inilatag ng mga mambabatas, pagkairita ang tugon ni Inday Siba at pilit na inilalayo ang sagot sa mga katanungan. Dugong itim o tintang itim ang ginamit na pambato sa Tserperson ng Komite ng Kaperahan ng Kongreso. Ang masakit ibig pagbitawin ni Inday Siba ang mambabatas sa hawak na komite dahil sa pagkairita sa tanong na ‘di masagot.



Pinasabog ang tinta na tila nagpalabo sa usapin na sa halip na siya ang sumasagot ito ang naghain ng panukala na palitan ang pinuno ng komite, na pansamantalang nagbigay espasyo upang makahinga. Ngunit sa katotohanan, nahubaran ng maskara at tuluyan nalaman ‘di lang ng mga mambabatas maging ng taong bayan ang kawalan ng alam ng abalang pangulo. Sa pagkakahubad ng maskarang suot, hayun bumagsak ang tikas kasabay ng pagkadismaya ng maraming dating kasama.

Sa pagkadismaya ng mga dating kasama ang pagiging arogante ni Inday Siba, lumiit ang bilang ng suporta at dumami ang naniwala na walang alam ito sa larangan ng pamumuno. Payak ang mga tanong na ibinabato ngunit o dahil batid napuntahan ng halagang hinahanap ng mga mambabatas ang magalit o maggalit – galitan ang itinindig na tuwirang nagpalayo sa mga dating kasama. Ang masakit, isinalang ni Inday Siba ang kinabukasan sa politika na hindi karapat dapat sa mataas na pwesto. Sa takot ng maraming dating kasama na maubos ang lahi ng mga mambabatas kung ang namalas na uri ng liderato ang makakaupo sa ’28.



Ang takot ng mga dating kasama’y ibig tuldukan hanggang sa maagang panahon ng ‘di magsisi sa kinabukasan. Ang aroganteng tindig ni Inday Siba ang larawan na mahirap sa kinabukasan kung mahalal sa pinakamataas na pwesto sa bansa..

Sa pagtataya sa kaganapan, walang pagsisisi ang mga kinatawang bayan na sa aga ng panaho’y nabatid ang pag-uugali ng minsang ibig balingan ng tulong. Ang galing ng kinatawan mula sa Marikina ang buhay na saksi sa paghuhubad ng maskara ng pag-uugali ni Inday Siba. Si Stella’y na dating kasama sa laban ng mga mabubuti’y tila nagising sa katotohanan na hindi kalahi ang dating nakasalamuha at may suot lamang ng maskara upang itulak ang sariling layon.



Nang maalimpungatan at nagtanong ng mga bagay – bagay hinggil sa kaperahan sa loob ng tanggapan ng abalang pangulo, hayun una pang sumabog sa bulkan ng Taal. Sa pagsabog napansin na hindi para sa tao si Inday Siba sa halip sarili ang bitbit higit ang mga kapritsong ibig. Hayan naghubad dating kasama dahil sa kasakiman.

Sa totoo lang, ang pag-ibig sa salapi ang naglalabas ng tunay na karakas ng tao higit kung salapi’y may kalakihan. Nabatid na may kahirapang gastusin ang halagang P125M sa loob ng 11 araw higit kung ang paggagamita’y ilalaan sa kabutihan ng bayan. Hindi naghahanap ng kamalian sa paggamit ng pera ng bayan subalit ang ipakita ng may tamang pagtutuos na walang may anomalya ang hanap ng ‘di pagdudahan. Sa paghahanap ng katotohanan sa mga tanong na ‘di masagot ang dahilan ng paglalim ng pagdududa sa tanggapan ng naghahain ng malaking pondo ng tanggapan ng abalang pangulo.

At pumasok sa isip ni Mang Juan ang batang nagsabi na may mga lobo na nagpapatakbo sa mga kasama upang sagipin ang mga tupa. At sa pagdating sa lugar na bangit ‘di nakita ang mga lobo sa halip ang pagtawa ng batang mapaglaro ang namasdan. At sa oras ng katotohanan, tunay na dumating ang mga lobo, hayun naubos ang mga tupa na nilantakan ng mga damuho. Nawala ang tulong na inaasahan sa minsang pinaglaruan, eh di wala. Ano Inday Siba?

Tunay na ang panlililo’t pang-aabuso’y walang magandang ibubunga higit sa hinaharap. Sa tulad ni Inday Siba pansin ng mga mambabatas na ‘di nagsasabi ng tapat si Inday Siba, maging sa mga payak na katanungan gayong ito ang timon sa tanggapan na kinakatawan. Ang mala posit na pag-iwas ang dahilan kung bakit lumalim ang pag-uusisa sa pondong hinahanap.

Ang pagbibigay ng pondo para sa tanggapan ng abalang pangulo’y karaniwang ‘di nababawasan sa halip ang maayuda na nagpapataas ang siyang gawa higit kung dating kasama ang humihingi. Ang pag-uusisa sa paggamit ng hinihinging pondo’y gawa ng kongreso at sa puntong masilip ang pagkakatulad sa ibang tanggapan ang maihahanay sa tamang kagawaran ang gagawin ng ‘di maulit sa pagtutustos. Sa pang-uusisa sa pondong ihinain ng tanggapan ng abalang pangulo, naghubad si Inday Siba sa galit at ibig nakikipagbakbakan sa mga mambabatas. Hindi tanggap ng abalang pangulo ang matanong ng mas mababang opisyal na larawan ng pagiging arogante.

Ang katangian na kamangmangan ang hinubad ni Inday Siba sa pagharap na ginawa sa Komite ni Stella na pumilas sa matamis na dating relasyon. Ang taguriang personalan ang pagtatanong ang ugali ng mga arogante na ayaw magpailalim sa sino mang mababa ang tindig. O’ sadyang isinasabuhay ang sabi ng ina na masahol ang ugali ng anak kaysa sa ama.

At sa totoo lang, batid ni Mang Juan masamang ugali ni Totoy Osla, at ‘di umaasa na mabait ang bunga, pwedeng mapait ngunit ‘di magiging mabait. Sa paghuhubad ng maskara si Inday Siba ng humarap sa pagdinig hinggil sa pondo ng tanggapan, nararapat na maihanda ng mga mambabatas ang mabisang hakbang upang mapigilan sa ibig nito, ang masipa sa pwesto ng ‘di makaporma sa ’28.

Maraming Salamat po!!!!