Advertisers
Ni Archie Liao
NAGBIGAY ng ‘vibes’ niya ang kilalang psychic na si Jay Costura sa nakikita niyang kapalaran ng unkabogable star na si Vice Ganda.
Hirit niya, bagamat patuloy na mamamayagpag ang karera ng “It’s Showtime” host, feel daw niya na may ‘negatibong enerhiya’ na bumabalot sa TV host-actor.
Aniya, ito raw ay may kinalaman sa iniinda nitong karamdaman ayon sa pagsisiwalat niya sa vlog ni Ogie Diaz.
Hirit pa niya, posible rin daw maghiwalay si Vice at ang partner nitong si Ion Perez.
Ang tinututukoy daw ng psychic ay ang desisyon ni Ion na magkaroon ng sariling anak.
***
Ariel
pumiyok sa scammer
Nagbabala si Ariel Rivera sa publiko hinggil sa scammer na gumagamit ng kanyang pangalan using a fake Facebook account.
Ipinost din niya ang nasabing pekeng account sa kanyang Instagram.
Aniya, napag-alaman daw ng misis niyang si Gelli De Belen na may scammer na ginagamit ang kanyang name para makapangloko o makapanghingi ng pera.
May kaibigan daw kasi sila mula sa ibang bansa ang nagsumbong sa kanila na hiningan ng nasabing kawatan.
Aniya, mabuti na lamang daw na naipahatid agad ito sa kanyang kabiyak.
Dagdag pa niya, nalulungkot daw siya na may mga taong nais manamantala sa kanilang kapuwa para lamang makapanlamang.
Ito ang teksto ng kanyang mensahe.
“Mga kaibigan, hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account! They have been trying to scam people for money. Please let them know that they have been exposed. Fortunately for me, they directly messaged a friend of mine from Oslo, Norway, in an effort to get money from them, but my friend immediately informed my wife. It’s unfortunate that people, especially mga kakabayan natin, will resort to this just to STEAL from fellow kababayans who make an honest living.”