Advertisers
Ni Rommel Placente
SA interview sa kanya ng radio host na si Morly Alino, mariing itinanggi ni Derek Ramsay ang kumakalat na chikang may kabit siya.
Sabi ni Derek,”Wala na nga ako, ang dami pa ring intriga. Grabe. Sabi ko nga, ‘Tigil-tigilan niyo ako. Bakit ako pa rin?’ Tahimik lang ako dati nung nasa showbiz.
“Dati ko na lang pinapansin, pero ngayon I’m stepping away. Nakakainis na ako pa rin.
Dagdag pa niya, “Dapat sanay na tayo dyan pero hindi ko pa rin maintindihan bakit kapag third party, ako na naman.
“May asawa na nga ako. Ang dami dami rin naman diyang mga couples. Ako na naman lagi.”
Nang tanungin naman si Derek kung masaya siya ngayon sa kanyang buhay, ang sagot niya,“Oo, sobra very, very happy na ‘yung buhay ko ngayon. Sobrang kumpleto na, ‘yung families naming mag-asawa sobrang magkasundo.
“Naghahanap nga ako ng problema kasi my life [now] is really, really good, I’m at peace, there’s no more stress, basta pag binless na kami ng baby girl or baby boy ready na ako,” patuloy niya.
Esplika pa ng aktor, “Yun [na] lang ang kulang sa buhay ko, but kahit wala masaya ako sa buhay ko kasi may baby Elias (anak ni Ellen kay John Lloyd Cruz) na ako and I have the perfect wife, sometimes perfect.”
Kasunod niyan ay ibinunyag ni Derek na marami na ang nag-aabang na magkaroon na sila ng baby ni Ellen Adarna.
Kahit nga raw ang mommy niya ay panay ang punta sa Manaoag Church sa Pangasinan para ipanalangin ito.
Magugunita noong Hunyo lamang nang biglang naging usap-usapan sa social media ang celebrity couple na sina Derek at Ellen matapos ibandera ng una sa Instagram ang ilang sweet pictures nila ng misis, pati rin ang ilang litrato nilang tatlo kasama ang step son na si Elias.
Ang caption niya riyan, “Can’t wait @maria.elena.adarna Alam mo na! Lol”
Walang idinetalye ang mag-asawa, kaya naman ang netizens may kanya-kanyang comment na sa kung ano ang ipinapahiwatig ng couple.
Karamihan sa kanila, naniniwalang ipinagbubuntis na ni Ellen ang baby nila ni Derek.
Pero base sa interview ng aktor kay Morly ay wala pa silang ine-expect na baby ng kanyang misis.
“Hindi, wala pa, wala pa,” aniya pa.
***
SA kanyang Instagram account, ibinandera ni Ariel Rivera ang screenshot ng isang Facebook account na kapareho ng kanyang pangalan at pictures, at nanghihingi ito ng pera sa kanyang mga kaibigan sa FB. Ayon sa kanya, hindi kanya ang FB account, kundi sa isang scammer.
Ang paglilinaw niya,“Hindi po ako ito. I DO NOT have a Facebook account!”
Kwento ng aktor, ginagamit ng modus ang pekeng FB page upang makahingi ng pera sa ibang tao.
Mensahe pa niya, “Please let them know that they have been exposed.”
Ayon pa kay Ariel, maswerte raw na nag-message muna sa kanya ang isang kaibigan mula ibang bansa na hiningan ng pera ng suspek, kaya nalaman niya ang ganitong klase ng panloloko.
“Fortunately for me, they directly messaged a friend of mine from Oslo, Norway, in an effort to get money from them, but my friend immediately informed my wife,” chika niya.
“It’s unfortunate that people, especially mga kakabayan natin will resort to this just to STEAL from fellow kababayans who make an honest living.”
Mensahe pa niya, “Please let them know that they have been exposed.”