Advertisers
Ni Archie Liao
PINUSUAN ng netizens ang pagrampa ni Janine Gutierrez in her gown sa red carpet ng Venice Film Festival kung saan kalahok ang kanyang pelikulang idinirehe ni Lav Diaz.
Pinuri rin siya ng kapwa celebrities tulad nina Pia Wurzbach, Ruffa Gutierrez, Karen Davila, Diego Gutierrez, Chanel Morales, BJ Pascual at iba pa sa ipinost niyang photos sa Instagram.
Takaw pansin naman ang naging komento ng kanyang rumored inspiration na si Jericho Rosales sa kanyang mga litrato.
Komento ng aktor: “Medyo hirap na ang kalooban ko ??”
Nag-react naman ang netizens sa naging emote ng aktor.
Hirit nila, grabe raw ang ámats’ ni Echo kay Janine dahil nami-miss na agad nito ang dalaga.
Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.
“omggggg????????”
“hahaha di mapigilan ?? wag mo awatin ang kalooban mo ????”
“malala na tlaga pati aq nadadala sa kilig????????”
“OMG ???? @janinegutierrez pls! Come home he misses you..????”
@jerichorosalesofficial, tinamaan kana talaga n quipido??”
“hoooyyyyyyy kilig malala”
“?? uwi na miss ka ni MrPogi Jericho G aka Tyrone??????Eyy lab na lab ka ni Echo?? More sweet bonding together pleaseeee??????”
“@jerichorosalesofficial hawig nya din talaga si Kim Jones :)”
“Ayiiiieeee hanggang Venice Ang kilig qo..miz na nia ang ??”
“miss na miss ka na echo ??”
“@janinegutierrez bored na yata si echo!”
“@jerichorosalesofficial Echonini bakit ganyan ha ha”
“Walang kapantay sa kilig ng dlawang ito ..??”
“sureball echo and janine forever na yarn”
***
Alipato at Muog, Nakatanggap ng
R-16 kasunod ng ginawang ikalawang review
sa pelikula
BINIGYAN ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ng Restricted-16 (R-16) rating ang documentary film na “Alipato at Muog” kasunod ng ginawa na ikalawang pagsusuri sa naturang pelikula.
Binubuo ang komite mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan na kinabibilangan nina Atty. Gaby Concepcion, Atty. Paulino Cases, Jr., producer sa pelikula at telebisyon na si JoAnn Bañaga, executive at music producer na si Eloisa Matias, at ang retiradong guro na si Maria Carmen Musngi.
Paliwanag ng komite, binibigyang konsiderasyon nila ang kahalagahan na mabalanse ang interes hindi lamang ng malayang pagpapahayag kundi maging ang interes ng bansa sa pagpapanatili ng integridad nito at ng kaayusan ng publiko.
Bukod dito, ipinaliwanag din nila na kinakailangan ang mas malawak na pag-iisip para maintindihan at maunawaan ang mga seryosong usapin na nais ipakita ng dokumentaryo, habang tinitiyak na hindi malalagay sa alanganin ang paniniwala at kumpiyansa ng manonood sa pamahalaan.