Advertisers

Advertisers

TUTA NG CHINA SI EX-PRES. DUTERTE?

0 2,429

Advertisers

Sa halip na pagginhawa ng sambayanan ay lalo pang nasadlak sa matinding kahirapan ang bansa kaibayo sa kaginahawahang tinamasa ng TROPANG DUTERTE na ibinunga nang pagiging tila “TUTA” o pagmamahal na ipinakita ni EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE sa kaniyang mga kaibigang CHINESE NATIONALS.

Ang DUTERTE ADMINISTRATION ay bantad sa pagiging CHINA FRIENDLY nito…, na lantarang inihayag ni EX-PRES. DUTERTE na ang ating bansa ay nangangailangan ng asiste at financial support ng CHINA.., e pinagdududahan nga naman ito ng nakararami na posibleng ipinaubaya ng dating administrasyon ang WEST PHILIPPINE SEA..,  hindi tulad sa mga naunang administrasyon na tahasang kinokondena at sinisita ang ginagawa ng China sa pagpapalawak ng mga artificial island sa mga karagatang sakop ng ating bansa.

Kapuna-puna na ang DUTERTE ADMINISTRATION ay nananatiling tikom ang mga bibig sa isyu ng TERRITORIAL DISPUTE at hindi man lamang ipinaggiitan ang karapatan ng PILIPINAS dahil mayroon nang INTERNATIONAL TRIBUNAL RULING noong 2016 PABOR sa ating bansa.



Sabagay mga ka-ARYA.., sa mga nagdaang rebelasyon ay nalantad ang sinasabing “GENTLEMAN’S AGREEMENT” sa PAGITAN ng PILIPINAS at CHINA noong panahon ni EX-PRES. DUTERTE, na ayon dito sa kasunduan na hindi naman kinikilala ngayon ni PRES. FERDINAND “BONGBONG” MARCOS JR ay nagsasaad na.., ang PILIPINAS ay sumang-ayon umano na hindi MAGSASAGAWA ng  pagkokompuni o pagtatayo ng istraktura sa SPRATLY ISLANDS kapalit sa kasunduang hindi haharangin ng CHINA ang paghahatid ng mga pagkain at iba pang pangangailangan sa barkong pandigma ng PILIPINAS na nakadaong sa naturang lugar.

Hanggang sa ngayon ay nananatiling lihim ang nilalaman ng GENTLEMAN’S AGREEMENT.., na pinaniniwalaan ng ilang mga MAMBABATAS na si DUTERTE ay na-pressure ng CHINA na manahimik ito sa isyu ng TERRITORIAL DISPUTE kapalit sa mga financial benefits at ang patuloy na supply ng ILLEGAL DRUGS.



Sa isinasagawang hearing ng SENATE at CONGRESS ay nalalantad ang involvement ni DUTERTE sa DAVAO-BASED DRUG CARTEL na pinalawak nito ang kontrola sa operasyon nationwide lalo na nang siya ay mahalal bilang PHILIPPINE PRESIDENT noong 2016.., at upang masustinehan ang drug network ay galing sa CHINA ang supplier ng ILLEGAL DRUGS na ipinupuslit papasok sa ating bansa.

Kung ating matatandaan sa mga testimonya noong unang CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) HEARING ay nabunyag ang koneksiyon ng TROPANG DUTERTE sa P6.8 bilyon halaga sa SHABU SHIPMENT SCANDAL noong 2018.., na ang mga personalidad na nagmaniobra ay sina CONG. PAULO “PULONG” DUTERTE, asawa ni VICE PRESIDENT SARA DUTERTE na si ATTY. MANS CARPIO at ang naging ECONOMIC ADVISER ni EX-PRES. DUTERTE na si MICHAEL YANG.



Makontrobersiya itong si YANG sa mga KATIWALIAN tulad sa PHARMALLY SCANDAL noong  2021 at sa karumaldumal at nakahihindik na operasyon ng  PHILIPPINE OFFSHORE GAMING OPERATORS (POGO) lalo na sa BAMBAN, TARLAC POGO na na-raid.

Sa mga isinasagawang CQC HEARINGS ngayon ay nabubuyangyang na ang matinding koneksiyon sa pagitan ng DUTERTE at CHINA.., na ang DUTERTE ADMINISTRATION ay naging PUPPET ng CHINA na mas binigyang halaga ang personal gain at sa interest ng CHINA kaysa kapakanan ng mamamayan.

Si EX-PRES. DUTERTE ay naging tagahanga sa liderato ni CHINA PRESIDENT XI JINPING , kaya naman naging matagumpay itong si XI JINPING na diktahan at maging sunud-sunuran sa kaniya na animo’y ginawang TUTA ang naging Ex-PHILIPPINE PRESIDENT na si RODRIGO DUTERTE!

— 000 —

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com  para sa inyo pong mga panig.