Advertisers

Advertisers

UP wagi vs UE para manatiling malinis sa UAAP

0 5

Advertisers

SUMANDAL ang University of the Philippines kay JD Cagulangan sa kanilang 81-71 tagumpay laban sa University of the East upang mapanateli ang kanilang perpek rekord sa UAAP Season 87 Sabado sa Araneta Colesium.

Umiskor ang 5-foot-9 ng 21 points, seven rebounds at four assists para tulungan ang Fighting Maroons na ilagay sa 2-0 habang ang Red Warriors nalaglag sa 0-2.

Mark Belmonte at Harold Alarcon nag-ambag ng tig-9 points,habang si Francis Lopez bumakas ng seven points,tampok ang dunk.
\
Samantala, ang UE umasa kay Precious Momowei na nagtala ng double-double na 20 points at 13 rebounds,three blocks sa kanilang talo habang si Wello Lingolingo nagdagdag ng 11 marka.