Advertisers

Advertisers

MALIIT NA PHILHEALTH BENEFITS SA BUDGET BRIEFING, PINUNA NI CONG PANALIGAN

0 33

Advertisers

SA naging interpelasyon ni Oriental Mindoro first district Congressman Arnan C. Panaligan kay Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) President Emmanuel Ledesma sa budget briefing ng House of Representative, ay nakumpirma nito na hindi sapat kundi napakalaki ng pondo ng Philhealth.

Inamin din ng Philhealth na mayroon silang P500-Billion na investible funds. Subalit kahit napakalaki ng pondo ng Philhealth ay lubhang napakaliit o napakababa ang benefits na binabayaran ng Philhealth sa hospital bills ng mga pasyente at mas malaki ang out of pocket expenses o bayad na galing sa sariling bulsa ng mga pasyente.

Sinabi ni Panaligan kay Ledesma na mas malaki pa ang tulong na binibigay niya sa mga pasyente mula sa Medical Assistance for Indigents Program (MAIP) bilang congressman at sa local health card noong siya pa ay city mayor.



Bilang tugon sa kanyang pagpuna gayun din ng ilang kongresista, sinabi ni Ledesma na itataas nila ang mga benepisyo na sasagutin ng Philhealth para sa mga gastusin ng pasyente sa ospital.

Sinabi rin ni Panaligan kay Ledesma na babantayan ng Kongreso ang pangakong yan at patuloy na uungkatin sa mga sunod na hearing ng Committee on Appropriations kung tumupad nga ang Philhealth sa kanilang pangako.



Samantala sa naging hearing naman ng panukalang 2025 budget ng Department of Health (DOH) tinanong ni Panaligan si Secretary Ted Herbosa tungkol sa status ng implementasyon ng Health Facilities Enhancement Program o HFEP.

Ang HFEP ay sinimulan sa ilalim pa ng mga nakaraang administrasyon at ang layunin nito ay pondohan ang pagpapagawa ng mga health facilities tulad ng mga rural health units (RHUs), basic emergency maternal obstetrics and neonatal care center (BEMONC), health centers at iba pang health facilities at lagyan ang mga ito ng mga kaukulang kagamitan.



Sa naging pagdinig sa Kamara pinuna ni Panaligan ang mabagal na implementasyon ng naturang programa ng DOH at ang hindi paglalaan ng sapat na pondo upang matapos at makumpleto ang mga nasimulang pasilidad ay lagyan na ng mga kagamitan upang mapakinabangan ng publiko. Katulad na lamang halimbawa ang Bgy. Bucayao Health Unit sa Calapan City na sinimulan ng DOH noon pang 2013 subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin nalalagyan ng DOH ng sapat na mga kagamitan upang maging ganap na health facility.

Samantala nangako naman si Secretary Herbosa kay Congressman Panaligan na kanyang titiyakin na mapopondohan at tataposin nila ang nasabing health unit ganun din ang iba pang health facility sa unang distrito ng Oriental Mindoro tulad ng Puerto Galera Health Unit.

Subaybayan natin!

***

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0939-7177977 at 0936-8625001 o di kaya mag-email banderapilipino@yahoo.com/balyador69@gmail.com.