Advertisers
Ang TINGING-BALASIK o ang PSYCHOPHATIC KILLER LOOK na EYE EXPRESSION ni dating COL. at dating PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA sa mga isinasagawang pagdinig ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) hinggil sa pagpatay sa 3 CHINESE DRUG LORDS sa loob ng DAVAO PRISON AND PENAL FARM (DPPF) ay UMAALINGASAW na ang mga masasansang na ebidensiyang nagsasangkot kina SENATOR RONALD “BATO” DELA ROSA, SENATOR CHRISTOPHER LAWRENCE “BONG” GO at EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE na epekto sa pagsasakatuparan ng mga madugong operasyon ni GARMA.
Nagigisa na ngayon si GARMA sa matinding paghahalukay ng CQC hinggil sa naging papel nito sa pagpatay sa 3 CHINESE DRUG LORDS na sina CHO-KIN TONG, JACKSON LEE at PETER WANG sa isang BARTOLINA ng DPPF noong 2016.
Sa CQC HEARING ay isiniwalat ng presong si JIMMY FORTALEZA na si GARMA ang nag-utos para patayin ng mga inmate na sina LEOPOLDO “TATA” TAN JR at FERNANDO “ANDY” MAGDADARO ang mga nasabing CHINESE DRUG LORDS.., na bukod dito ay binantaan pa umano ni GARMA si dating DPPF SUPT. GERARDO PADILLA na huwag itong makialam sa operasyon upang huwag malagay sa panganib ang kaniyang pamilya.
Siyempre pa.., sa kumpas ni GARMA ay naisakatuparan ang nakaririmarim na pamamaslang sa 3 CHINESE DRUG LORDS bilang pagtalima nito sa naging utos sa kaniya noon ni EX-PRES. DUTERTE.., na noong tanungin ng CQC si FORTALEZA kung sino si GARMA ay buong tapang na itinuro niya ang babaeng nakaupo na ilang pagitan lang ang layo niya at sinabi pa nitong kaklase niya si GARMA sa PHILIPPINE NATIONAL POLICE ACADEMY (PNPA).
Umalingasaw rin ang mga indikasyon sa posibilidad na romantikong relasyon sa pagitan ni GARMA at DUTERTE na naging kapansin-pansin ang mabilis na promosyon ni GARMA hanggang sa naitalaga ito bilang PCSO GENERAL MANAGER.., na KUWESTIYONABLE ang background nito bilang pulis na dati itong naging CEBU CITY POLICE OFFICE DIRECTOR ay ito ang pinagkatiwalaan ni DUTERTE para pangasiwan ang JUICY PCSO.
Sa CQC HEARING noong August 29, 2024 ay isiniwalat ni SUPT. PADILLA na tahasan umano siyang inutusan ni GARMA na huwag makialam sa pagbitay sa mga drug lords.., at sinabi raw ni GARMA na “may mga tao kami dyan na gagawa at huwag mo na kuwestiyonin… sa ayaw at sa gusto mo; huwag kang makialam, baka madamay pa pamilya mo.”
Sa paghalukay ng mga ebidensiya hinggil sa nasabing iskandalo ay umalingasaw rin ang DUTERTE INNER CIRCLE na nagsasangkot kina SENATOR BONG GO na right hand ni DUTERTE at kay EX-PNP CHIEF na ngayon ay SEN. BATO DELA ROSA bilang implementor ng DUTERTE EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK).
Ang mga ito ay nagsisuporta sa brutal na kampanya laban sa ILLEGAL DRUGS at pagsasakatuparan ng EJK sa pamamagitan ng mga operatiba tulad ni GARMA.., at ang mga ito ang naging kasangkapan para gawing legal ang mga nakaririmarim na operasyon.
Ibinunyag din ng inmate na si TATA TAN JR na ang KILL ORDER ay nagmula umano kay DUTERTE nang nabosesan niya ang kausap sa telepono noon ni SUPT. PADILLA sa noo’y katatapos na pamamaslang dahil binati raw ni DUTERTE ang matagumpay na pagsasakatuparan.., na ito ang ebidensiya sa pagiging MASTERMIND ni DUTERTE sa mga karumaldumal na operasyon sa pamamagitan nina GARMA, GO at DELA ROSA.
Habang isinasagawa ang walang-humpay na CQC HEARING ay lalong UMAALINGASAW ANG MASASANSANG NA MGA EBIDENSIYA na magdidiin sa ORCHESTRATED OPERATIONS ng DUTERTE ADMINISTRATION para sa pagbibigay ng JUSTICE sa EJK VICTIMS!
***
Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.