Advertisers

Advertisers

DoJ tiwalang maiuuwi sa bansa si Teves

0 22

Advertisers

NANINIWALA ang Department of Justice na kakatigan muli ng Timor-Leste ang Pilipinas sa pag-extradite o pagpapabalik kay ex-Congressman Arnulfo “Arnie” Teves kasabay ng pagbubukas ng bagong court proceedings hinggil dito.

Sa isang pahayag na inilabas ng ahensya nitong Martes ng umaga, sinabi nitong malinaw ang merits at matibay ang ebidensya laban sa dating solon kaugnay sa patong-patong na reklamo kabilang na ang pagpaslang kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.

Umaasa ang DOJ na sa lalong madaling panahon ay maibalik sa bansa si Teves para harapin nito ang mga kaso laban sa kanya.



Nilinaw rin ng DOJ ang mga ulat na kinansela ng Timor-Leste ang extradition ni Teves.

Ayon dito, nagdesisyon na ang korte sa naturang bansa na ma-extradite si Teves pero dahil nag-contest ang kampo nito, panibagong court proceedings naman ang ngayo’y kinakailangang pagdaanan.
(Jocelyn Domenden)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">