Advertisers

Advertisers

Ch. Bong Marzan lagare sa AKAP at TUPAD

0 21

Advertisers

LAGARE ang newest political party member ng Asenso Manileño na si Bgy. 497 Chairman Bong Marzan sa kanyang pagtulong sa distribusyon ng mga ayudang mula sa Ayuda Para sa mga Kapos ang Kita Program (AKAP) at Tulong Panghanapbuhay sa ating Disadvantaged Displaced Workers Program (TUPAD).

Nabatid kay Marzan na nitong Martes, Sept.17 ay may kabuuang 2,000 beneficiaries ang nakatanggap ng ayudang pinansyal mula sa AKAP na isang patuloy na programa ng Pang. Ferdinand Marcos, Jr., House Speaker Martin Romualdez at District 4 Congressman Edward Maceda.

Sa nasabing distribution na ginanap sa Nazareth Covered Court, Bgy. 435, nabiyayaan ng P3,000 bawat isang 2nd year college students na nasa 1,000 ang kabuuang bilang at hinati sa dalawang batch. Ang unang dalawang batch ng mga estudyante sa kolehoyo ay tinanggap ang kanilang ayuda na ipinamahagi sa pangunguna ni Cong. Maceda, Councilor Science Reyes, Dr. Gissele Maceda, Marzan at iba pa.



Samantala ang pangatlo at ika-apat na batch naman na binubuo ng mga parlor, barber shop at salon employees ay tumanggap rin ng P3,000 bawat isa at nasa kabuuang 1,000 ang bilang.

TUPAD seminar naman ang sumunod na dinaluhan ni Marzan nitong Huwebes, Sept. 19 na ginanap din sa Nazareth Covered Court, Sampaloc, Manila.



Ang nasabing seminar na bahagi ng TUPAD program ay sa pagtutulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) at ni Cong. Edward Maceda.

Nasa 2,000ang napagkalooban ng trabaho kung saan sila ay magwawalis sa kalye.Nabatid na sa programang ito, ang bawat isang TUPAD worker ay tatanggap ng P655 kada araw at ang kabuuang P6,550 ay mula sa 10 na kanilang tatrabahuhin. (ANDI GARCIA)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">