Advertisers

Advertisers

RELASYONG DUTERTE AT GARMA NAKAKARMA NGAYON!

0 33

Advertisers

Habang lumalalim ang isinasagawang pagsisiyasat ng CONGRESS QUAD COMMITTEE (CQC) lalo na sa aspeto ng EXTRA JUDICIAL KILLINGS (EJK) ay tila sinding-kandila na nagliliwanag sa kahahantungang KARMA ngayon sa buhay nina dating COLONEL at naging PHILIPPINE CHARITY SWEEPSTAKES OFFICE (PCSO) GENERAL MANAGER ROYINA GARMA at EX-PRESIDENT RODRIGO DUTERTE.

Ito ay hinggil sa naging pagbubunyag ni dating SPECIAL ENVOY TO CHINA noong DUTERTE ADMINISTRATION na si VETERAN JOURNALIST RAMON “MON” TULFO sa panayam sa kaniya ng isang programa sa ABANTE TELETABLOID na magsyota umano sina DUTERTE at GARMA.., na paglilinaw ni MON TULFO ay simula pa lamang sa pagiging DAVAO MAYOR ni DUTERTE ay kaibigan na niya ito at malinaw umanong magkasintahan ang dalawa.

Inihayag ni TULFO na bumibisita siya kay EX-PRES. DUTERTE kapag umuuwi siya sa DAVAO.., na isang beses daw na bumisita siya kay DUTERTE habang ito’y MAYOR pa ay naghapunan sila kasama si GARMA. Noong nagtungo sa banyo si GARMA ay tinanong ni TULFO kung bakit kasama ni DUTERTE ang isang pangit na babae, lalo na’t maraming magagandang babae ang nakasama na nito.., na ang isinagot daw ni DUTERTE ay masaya raw makipagtalik sa isang babaeng naka-uniporme.



Ayon pa kay TOLFO.., itinalaga si GARMA bilang GENERAL MANAGER ng PCSO dahil sa kanyang relasyon kay DUTERTE na noong 2019 ay tinanggal ni DUTERTE si RETIRED MARINE GENERAL at PCSO GM ALEXANDER BALUTAN dahil umano sa mga alegasyon ng korapsiyon.., at si GARMA ang pumalit kay BALUTAN sa utos lamang ni DUTERTE. Ayon pa kay TULFO, si GARMA ay itinalaga rin bilang PCSO GM dahil sa impluwensiya nina BONG GO at dating EXECUTIVE SECRETARY SALVADOR MEDIALDEA.

Napagtagumpayan ni GARMA na palitan si BALUTAN na isang mahusay at iginagalang na PCSO GM.., dahil sa mga maling akusasyon ng korapsyon at sa kanyang malapit na ugnayan at iligal na relasyon kay DUTERTE ay sapat na raw na makipagtalik kay DUTERTE at magiging maginhawa na ang buhay.



Ang pagbubunyag ni TULFO ay kabaligtaran ng mga pahayag ni GARMA sa pagdinig ng CQC.., dahil hindi raw siya malapit kay DUTERTE at wala siyang natanggap na pabor mula rito.

Ngayong alam na natin na hindi totoo ang pagkakaila ni GARMA dahil sa naging pagsisiwalat ni MON TULFO ay lumalabas pala na kailangan mo lang ay makipagtalik kay DUTERTE upang maitalaga bilang PCSO GM kahit hindi ka kuwalipikado?



Ang pagmamahal ni GARMA kay DUTERTE ang nagdulot ng kanyang kahinaan na madali siyang naimpluwensiyahan ni DUTERTE upang gawin ang kanyang mga utos.., ika nga ay pinaubaya ni GARMA ang sarili upang magamit ni DUTERTE sa pagpapatupad ng kanyang patakaran sa war on drugs.

Ngayong nalantad ang tunay na motibo sa relasyon nina DUTERTE at GARMA.., ang lahat ng sinabi niya sa CQC hearing ay puro kasinungalingan upang mailihim ang kanilang pagiging magkalaguyo. Bilang isang babaeng hiwalay sa asawa ay sabik si GARMA sa haplos ng isang lalaki kaya nahulog siya sa mga bisig ni DUTERTE upang malasap ang kaligayahan.., na pinagbabayaran niya ngayon ang kanyang mga pagkakamali.

Gayunman, ang isang kilalang mapanlinlang ay iniwan ni DUTERTE si GARMA upang ang huli ang mag-isang managot para sa mga pagkakamali.., mag-isa na nga lang bang papasanin ni GARMA ang KARMA?

***

Kung may reaksiyon lalo na sa mga nakakanti ng ating kolum ay maaari po kayong mag-email sa corpuzirwin074@gmail.com para sa inyo pong mga panig.