Advertisers

Advertisers

“Si Rhian ang pinakamatalinong tao na nakilala ko!” — Sam

0 12

Advertisers

Ni Rommel Placente

BALITANG isa sa mga tatakbong mayor sa Maynila si Cong. Sam Verzosa na kasalukuyang representative ng Tutok To Win Party-List.

Kaya naman natanong si Rhian Ramos ng members ng media tungkol dito sa naganap na thanksgiving party at birthday celebration ng kanyang boyfriend sa MLQU Basketball Covered Court sa Quiapo, Manila.



Sabi ni Rhian, full support ang ibibigay niya sa host ng public service show na Dear SV sa GMA 7, kung ito talaga ang gusto nitong gawin.

“Kung iyon ang destiny niyang talaga, support naman ako doon, eh. I have to be honest never ko iyang naisip the whole time I was growing up.



“Never ko naisip na ito ay mangyayari sa buhay ko. Hindi ko talaga siya naging dream pero kung doon niya mapu-fulfill iyong purpose niya then support ako roon,” aniya pa.

Samantala, natanong sina Rhian at Sam kung anu-ano ang mga qualities na talagang gustung-gusto at ina-admire nila sa isa’t isa.



“Si Rhian ang pinakamatalinong tao na nakilala ko at sobrang pure ng puso at damdamin,” sagot ni Cong.Sam.

“Dahil sa kanya, mas lalo akong naging mabuting tao. Doon ako sobrang na-attract at napamahal sa kanya.”

Sey naman ni Rhian, “Nakikita ko naman kay Sam is he really has the purest, most golden heart.

“He always has treated me with so much respect from day one. Marami talaga akong natututunan. I’m a big admirer,” dagdag ng aktres.

May wedding bells na bang maririnig ang kanilang supporters anytime this year or next year?

Sagot ni Rhian, “Mahaba pa ang life. Hindi naman kami nagmamadali. Darating din ‘yan.”

Agree naman dito si Sam,” “Lahat may tamang panahon. Darating po ‘yan. Siyempre ‘yung future namin, napapag-usapan namin. We’re both mature individuals.

Tinitingnan namin ‘yung future namin kasi kaya nga kami nagsasama para planuhin ‘yung magandang future namin. Dahil sa growth na nangyari, alam na namin ang gusto at ayaw namin sa isa’t isa,” sabi pa ni Sam.

***

SA interview ni James Reid sa YouTube vlog ni Ogie Diaz , sinabi niya na si Liza Soberano raw ang umalis under his management na Careless Music. At ito naman daw ay nasa kanilang kontrata.

“It’s her decision to leave, actually. Siya ang umalis. And you know, it’s with our agreement with Liza. You know, we have a clause, you know, it’s termination for convenience, so she can leave anytime,” sabi ni James.

Paliwanag pa ng aktor, “Actually, you know, I think, mas focus siya sa career niya sa L.A. and kami, mas focus kami sa Philippines, you know, with my music career, I’m going back to acting, so we had different career paths, I think. And she has her own co-management sa L.A.- Transparent Arts. And she’s really focused there.”

Ayon pa sa aktor, kayang-kaya naman daw i-handle ni Liza ang sarili.

“Actually, she’s been managing herself. I can say, making a lot of her own decisions. Ganu’n talaga si Liza, she’s very creative, very ambitious, she’s very business-minded and it’s been great working with her. “She’s a very sweet girl, I’m sure you know.”