Advertisers

Advertisers

P10K, relief items at iba pang tulong sa 2K pamilyang biktima ng sunog sa Tondo, tinangkang harangin ng minorya sa MCC

0 48

Advertisers

ANG distribution ng P10,000 financial assistance, hygiene kits at relief items sa bawat isa sa mahigit na 2,000 pamilyang biktima ng dalawang sunog sa Tondo ay na-delay dahil may ilang members ng minority group sa Manila City Council ang nagtangkang harangin ang pagpasa ng resolusyon na kailangan para sa mabilis na paglabas ng pondo ng pamahalaang na kailangan dito. Gayunman bigo pa rin ang minorya na harangin ang pagpasa ng resolusyon.

Ito ang nabatid matapos na personal na humingi ng paumanhin si Manila Mayor Honey Lacuna dahil sa pangyayari kung saan ang mga apektadong pamilya ay kailangan pang maghintay ng hindi naman nararapat.

“Lagi ko sinasabi sa mga kasamahan ko na ayaw na ayaw kong nagpapahintay, dahil alam kong napakabigat na ng inyong pinagdaraanan,” ayon sa lady mayor.



“Kanina po ay pinakiusapan ko ang konseho ng Maynila na magpasa ng isang resolusyon para sa agarang pagbibigay ng tulong-pinansiyal, dangan nga lamang, hindi ko malaman sa kung anong dahilan ay tila ho ba parang pinatatagal nang pinatatagal ng ilan nilang kasamahan sa minorya pero sabi ko sa kanila (majority councilors), ‘wag sila bibitaw, piliting maipasa dahil alam ko po ‘yan ang kinakailangan nyo ngayon,” sabi ni Lacuna.

Nagpahayag ng kanyang pasasalamat ang alkalde kay Vice Mayor Yul Servo na siyang kasalukuyang Council Presiding Officer gayundin kina Councilors Bobby Lim, Nino dela Cruz at Marjun Isidro at iba pang majority councilors na nagtatrabaho upang tiyakin na ang resolution na kailangan para mailabas ang pondo at naipasa sa lalong madaling panahon. Ang mga nabanggit na councilors, kabilang si social welfare chief Re Fugoso, ay tumulong din sa distribution ng cash aid at goods para sa pamilya ng mga fire victims.



“Pasalamatan natin sila sa kanilang tunay na pagmamalasakit and siyempre, si Vice Mayor Yul na kanina pa inaaway nung iba nating konsehal. Di ko maintindihan kaya ako na ho ang nahingi ng paumanhin pero ang importante nandirito na kami ngayon dahil alam ko na ito po ang kailangang- kailangan nyo, maliban sa kailangan ninyong makabalik sa inyong mga lugar para makapag-pundar ulit. Pagdamutan ninyo ang aming makakayanan,” pahayag ni Lacuna.

Sinabi ni Servo na noong sisimulan na niyang talakayin ang resolution para sa cash assistance ng mga fire victims, ang mga councilors na nabibilang sa minority ay sabay sabay na nag-walk out sa pagtatangkang harangin ang pagpasa ng resolution dahil nawalan na ng quorum sa kanilang pagwa-walk-out.



Gayunman nagawan ng paraan ni Servo na magkaroon ng kinakailangang quorom matapos isama sa bilang ng attendance ang majority councilors na nagrehistro sa pamamagitan ng zoom, na ayon sa kanya ay pinapayagan naman sa ilalim ng internal rules ng Konseho, pero maging ito ay kwinestyon ng minority member na pinahaba ng pinahaba na halata naman na isang paraan para i-delay o i- block ang pagpasa ng resolusyon.

“Nakakalungkot lang na pati ang tulong na para sa mga tao ay napupulitika. Dapat ipinapasa namin agad ang mga resolusyong gaya nito kasi kailangang-kailangan ito ng mga tao,” saad ni Servo.

Sa distribusyon ng cash assistance, hygiene kits at relief goods, tiniyak ni Lacuna sa mga fire victims na siya at ang kanyang mga kaalyado sa Konseho ay laging naririyan sa para sa kanila at sinabing: “Hinding-hindi namin kayo pababayaan at hinding-hindi namin kayo iiwan.” (ANDI GARCIA)