Advertisers
Wala na bang iba? Hindi naman tayo tutol sa pagkilala at pagpaparangal sa mga programa ng Quezon City Local Government Unit (LGU) para sa QCitizens at sa halip, ano bang ginagawa ng mga pinuno ng iba pang LGU sa bansa at parati na lamang sila napag-iiwanan? May pondo naman ang kani-kanilang LGU pero ba’t…nagiging kulelat sila para sa kanilang konstituwent? Saan ba napupunta ang kanilang koleksyon?
Kunsabagay, kahit na may malaking pondo o koleksyon ang isang LGU, ito ay magiging walang silbi kung ang lider o alkalde ng kanilang bayan o syudad ay walang paki o makasarili. Kaya asahan na mapag-iiwanan nga ang kanilang bayan/lungsod.
Hindi tulad ng Lungsod Quezon na pinamumunuan ni Mayor Joy Belmonte, na pinangangalagahan ang interes o pangangailangan ng QCitizens kaysa sarili.
Patunay na pinangangalagahan ni Mayor Joy ang interes ng QCitizens ay ang iba’t – ibang programa ng alkalde sa lungsod dahilan para maraming pumapasok na investors sa lungsod at higit sa lahat ang nakikinabang ay ang milyong residente ng lungsod.
Kaya hindi na nakapagtataka kung bakit ang QC LGU ang parating pinararangalan hindi lamang sa bansa kung hindi maging sa labas.
Heto nga, si Mayor Joy ay muling kinilala sa Forbes bunga ng kanyang sa matagumpay na programa sa Kyusi para maibsan ang epekto ng climate change sa lungsod.
Kinilala ng Forbes si Belmonte na isa sa kanilang inaugural 50 Sustainability Leaders sa hanay ng C40 Cities members kasama sina Mayors Yvonne Aki-Sawyerr ng Freetown, Sierra Leone; Anne Hidalgo ng Paris, France; at Michelle Wu ng Boston gayondin ang iba’t ibang negosyante, scientists, philanthropists, investors, politicians at activists na nangunguna sa buong mundo para labanan ang climate crisis
“The 50 honorees recognized as Forbes inaugural Sustainability Leaders span industries and disciplines while all demonstrating exceptional ambition, innovation, and recent, tangible impact that is both scalable and sustainable,”ayon sa Forbes.
Ayon kay Mayor Joy B. na ang pagkilala ay bunga ng iba’t ibang mga programa sa lungsod upang mapigilan ang epekto ng climate change sa QCitizens at kapaligiran.
“We are extremely honored to be part of this inaugural list. This further solidifies our commitment to combating climate change and its negative impact on the environment and our QCitizens,” dagdag pa ni Belmonte.
Ang parangal ay masasabing bunga na rin ng inisyatiba ng alkalde dahil mula pala nang maging Alkalde ng QC noong 2019, si Mayor Joy ay naglaan ng 13 percent mula sa budget ng QC LGU para sa climate initiatives upang makopo ang layunin na mabawasan ang greenhouse gas emissions ng may 30 percent sa taong 2030 at maabot ang net-zero sa taong 2050.
“It will also inspire our local government to continue discovering and implementing vital solutions that contribute to a healthier planet for current and future generations. We have to act fast and decisively on this problem,” dagdag ni Belmonte.
Ilan sa hakbang na pinapurihan ng Forbes ay ang ibat ibang environmental initiatives ni Belmonte tulad ng city’s bike path network na may 217 kilometers, paggamit ng kuryente ng free bus service at paggamit ng solar panels sa public buildings gayundin ang pagbabawal sa paggamit ng plastic bags at single-use utensils, “trash-to-cashback” program at pagtatayo ng refilling stations ng mga liquid detergent at iba pang household products.
Noong 2023, kinilala rin si Mayor Belmonte bilang United Nations Environment Programme (UNEP) Champion of the Earth for Policy Leadership dahil sa matinding kampanya at adbokasiya laban sa plastic.
Iyan ang QC, madalas pinararangalan o kinikilala sa kanilang iba’t ibang programa dahil ang milyong QCitizens at ang kapaligiran ang prayoridad ng kanilang iba’t-ibang programa.
At ang sekreto din sa panay-panay na pagpaparangal ay ang good governance ng kasalukuyang administrasyon ng QC LGU sa pangunguna ng multi – awarded Mayor – MAYOR JOY BELMONTE.