Advertisers
Dead on arrival sa ospital ang isang magsasaka nang masaksak sa Palawan.
Kinilala ang niktima na si Jayson Abela, 44-anyos, residente ng Brgy. Capayas Dumaran, Palawan.
At ang suspek kinilalang si alyas Sito, 58-anyos, may asawa at karpintero ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon 11:45 ng gabi, nasa kalsada ang biktima na si Jayson at nilapitan ito ng salarin na si alyas Sito at sa hindi nabanggit na dahilan nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng salarin na si Sito kung saan tinamaan sa kaliwang bahagi ng dibdib ang biktima.
Agad na isinugod ng mga nasa lugar ang biktima pero idineklara itong dead on arrival ng doktor ng ospital.
Naaresto rin ang salarin sa follow-up operation kahit sinubukan nitong tumakas.