Advertisers

Advertisers

1 patay, 2 sugatan sa salpukan ng motorsiklo at gov’t vehicle

0 219

Advertisers

ISA ang nasawi at 2 ang sugatan nang salpukin ng isang SUV ang motorsiklo sa Dipolog City, Zamboanga Del Norte.
Nakilala ang nasawi na si Naomie Etol Magallanes, 35, ng Barangay Barra, Dipolog City
Nilalapatan naman sa Corazon C. Aquino Hospital ang mga sugatan na sina Giovani Estorgio Credo, 35, driver; at Susan Sabuero Etol, 40, kapwa taga-Brgy. Barra.
Sumuko naman ang driver ng SUV na si Renante Lauc Laquio, 44, empleyado ng CDRRMO, ng Brgy. Punta, Dipolog City.
Ayon sa ulat, 11:10 ng gabi nang maganap ang banggaan sa Gen. Luna corner Lacaya St., Brgy. Central, Dipolog City.
(Mark Obleada)