Advertisers

Advertisers

Cash aid ng 203K senior citizens ,dinoble na ni Mayor Honey, simula 2025

0 28

Advertisers

GOOD news sa 203,000 senior citizens sa Maynila.

Inanunsyo ni Mayor Honey Lacuna na simula January 2025, ang kanilang monthly cash allowance na P500 ay ay magiging doble na sa P1,000, upang higit na madagdagan ang kanilang financial capacity para nakabili ng ng kanilang kailangan tulad ng medisina at. Iba pa at ito ay ibibigay kada quarterly, isa halip na kada apat na buwan, base na rin sa kanilang kahilingan.

Sa kanyang pagsasalita sa Elderly Month celebration sa Palacio del Gobernador, sinabi ni Lacuna na base sa plano , ang mga senior citizens’ ng lungsod ay tatanggap na ng P3,000 kada tatlong buwan o kada quarter.



“Hindi ako mahilig mangako. Pag ako nangako, tinutupad ko. Ang ginagamit ko puso, hindi nguso,” pagbibigay diin ng ady mayor .

Hiniling ni Lacuna sa mga senior citizens na naroroon na ikalat ang magandang balita sa kanilang kapwa elderly, makaraang atasan niya si Vice Mayor Yul Servo, na naroroon din sa affair, na agad na asikasuhin ang ordinansa na siyang magbibigay kapanyarihan sa pagpapatupad ng nasabing increase.



“Vice Mayor Yul, alam mo na ang gagawin mo,” sabi ni Lacuna kay Servo, na mabilis din namang tumugon ng positibo.

Ang increase, ayon sa alkalde ay resulta ng pagsisikap ng pamahalaang lungsod na linisin ang listahan ng senior citizen’s sa mga hindi na nakatira sa Maynila at lumipat na ng ibang tirahan samantalang ang iba naman ay yumao.



Ang probisyon para sa allowance ng mga senior citizens ay naging epektibo sa pagpasa ng eocial amelioration program (SAP) ordinance ng Manila City Council, sa pamamagitan ng pagtitimon ni Lacuna na dating vice mayor at concurrent Presiding Officer ng Manila City Council.

Ang nasabing ordinansa ay ipinasa noong pandemya kung saan nagpapatawag si Lacuna ng sessions kahit weekends o holidays, depende sa urgency ng ordinansa na kailangang ipasa para sa banepisyo ng mga Manileño.

Kabilang din sa SAP ang probisyon na nagkakaloob ng monthly financial asisstance sa mga solo parents, persons with disability at nga estudyante mula sa dalawang pamantasan na kinabibilangan ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (PLM) at Universidad de Manila (UdM).

Nang maging alkalde si Lacuna hiniling niya sa sa Konseho na magpasa ng ordinansa na kung saan isasama na ang mga minors with disability (MWDs) sa SAP. (ANDI GARCIA)