Advertisers

Advertisers

BABAENG RADIO REPORTER TINODAS SA ZAMBO

0 50

Advertisers

Nasawi sa pamamaril ang isang babaeng radio reporter sa Zamboanga City nitong gabi ng Martes, October 23, 2024

Sa pahayag nitong Miyerkules ni Brig. Gen. Bowenn Joey Masauding, director ng Police Regional Office-9, agad na namatay ang 56-anyos na si Maria Vilma Rodriguez nang barilin ng tatlong beses ng isang lalaking armado ng .38 revolver habang nakaupo malapit sa tindahan ng kanyang ina sa Comet Street sa Barangay Tumaga, Zamboanga City.

Si Rodriguez, isang single mother na may apat na anak, at dating volunteer reporter ng Brigada Station sa naturang lungsod bago naging host ng isang public affairs program ng 105.9 EMedia Radio na may online social media platform din.



Idineklarang dead on arrival ng mga doctor ang biktima kung saan siya dinala ng mga barangay officials sa Tumaga upang malapatan sana ng lunas.

Hinahanap na ng mga kasapi ng iba’t-ibang unit ng Zamboanga City Police Office at PRO-9 ang pumatay kay Rodriguez na mabilis na nakatakas sa kalagitnaan ng kaguluhang sanhi ng mga putok na umalingawngaw sa kung saan naganap ang naturang pamamaril.



Ayon sa mga kasama ni Rodriguez sa Zamboanga City media community, ilan sa kanila mga radio reporters na naka-assign sa PRO-9 at Western Mindanao Command ng militar sa naturang lungsod, may malaking alitan si Rodriguez at ilang mga kamag-anak na posibleng siyang dahilan ng pagpaslang sa kanya.(Mark Obleada)

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-7020468026123536" data-ad-slot="5705765747" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">