Advertisers

Advertisers

Mayor Joy, hindi binigo ni Buslig laban sa kriminalidad sa QC

0 18

Advertisers

Nang maupo si PCol. Melecio M Buslig, Jr., bilang Director ng Quezon City Police District (QCPD) nitong Oktubre 1, 2024, isa sa tagubilin sa kanya ni QC Mayor Joy Belmonte (sa talumpati nito) ay ang panatilihin ang katahimikan at kaayusan ng lungsod para sa seguridad at kaligtasan ng milyong QCitizens.

Nangako naman si Buslig sa Alkalde at hindi niya binigo si Mayor Joy. Sa unang ipinatawag na command conference ni Buslig matapos ang turn-over ceremony nitong Oktubre 1, isa sa pangunahing direktiba ni Buslig sa kanyang 16 station commanders at unit/division heads ay doblehin ang gera laban sa kriminalidad lalo na ang kampanya laban sa ilegal na droga dahil isa ito sa pangunahing dulot ng lahat ng klase ng krimen.

Bilang patunay sa pangako ni Buslig sa Alkalde na mapanatili ang tahimik at ligtas na lungsod, napababa ni Buslig ang krimen sa Kyusi sa loob ng isang buwan – mula Oktubre 1, 2024 (pag-upo ni Buslig sa QCPD) hanggang Nobyembre 1, 2024.



Sa unang 30 – araw ni Buslig, napababa nito ang krimen (crime rate) sa 19.48 porsiyento sa sinasabing pangunahing krimen.

Batay sa talaan, sa 175 anti- drug operations, nagresulta ito sa pagkaaresto ng 280 katao kung saan 170 ang ‘tulak’ habang 110 ang drug users.

Sa mga operasyon, nakakompiska ang QCPD ng P6.66 milyong halaga ng illegal drugs – 956.73 gramo ng shabu, 943.56 gramo ng marijuana at 29.25 gramo ng marijuana kush.

“Our commitment to combat illegal drug activities remains unwavering as we prioritize the safety and well-being of our communities,” ani Buslig.

Kabilang din sa tinutukan ng QCPD ay ang pag-aresto sa mga most wanted person kung saan nadakip ang isa sa pangunahing salarin sa pagpugot sa isang security guard ng isang car dealer sa QC noong Disyembre 2023 at pagkaaresto sa isang fugitive na nahaharap sa kasong murder dahil sa pagpaslang sa isang Konsehal sa Las Pinas City.



Siyempre, nandiyan din ang kampanya laban sa illegal gambling, illegal firearms o kampanya laban sa loose firearms.

Bunga ng matagumpay na kampanya, pumalo rin sa 97.58% ang Crime Clearance Efficiency na indikasyon na epektibo ang strategy at sistema ng QCPD.

Sa masasabing tagumpay na gera laban sa kriminalidad sa unang 30-araw ni Buslig sa panunungkulan, tiniyak nito na magpapatuloy pa rin ang QCPD sa kampanya laban sa lahat ng porma ng kriminalidad sa lungsod para matiyak ang kaligtasan ng milyong QCitizens lalo na ngayon magpa-Pasko.

Sa matagumpay na resultang ito, masasabing hindi nagkamali si Mayor Joy maging sina PNP Chief, Gen. Rommel Francisco Marbil at NCRPO chief PMGen. Sidney Hernia sa pagtatalaga kay Buslig bilang hepe ng kapulisan ng Kyusi.

Keep up the good work PCol. Buslig sampu ng bumubuo ng QCPD – mula sa mga opisyal at sinasabing ‘back bone’ ng pulisya.